Chapter 26
30 Days of Moving On
17
Maaga akong nagising pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumabangon. Nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni Mike kahapon. Naramdaman kong gumalaw si Dwayne sa tabi ko. Ang akala ko, hindi siya matutulog sa tabi ko dahil magdamag siyang nasa library nang makauwi siya.
"Good morning," bati sa akin ni Dwayne. Ngumiti lang ako at hinilamos ang palad sa mukha ko. "Sana lahat may sagot sa good morning." Lumapit si Dwayne sa akin nang nakangiti. Iniabot niya sa akin ang kumot na tinanggal ko na naman kagabi habang natutulog ako.
Hindi ako nagkukumot pero gusto kong may katabi akong kumot, kadalasan, nasa ibaba ito ng kama kapag magigising na ako. Maging ang mga unan sa tabi ko, but Dwayne fixes everything. Palagi niyang pinupulot at itinatabi sa akin iyon ulit.
Tinaasan ko muna siya ng kilay bago ako nagpasiyang sumagot sa kaniya, "Hindi naman iyon tanong." Natawa si Dwayne sa tabi ko, seryoso ako. Tinanggal nito ang suot na medyas, palagi itong nagmemedyas pag natutulog.
"Ang aga-aga, sobrang badtrip ka, no?" Nag-inat muna siya bago siya bumangon. "Magluluto na ako, gusto mo bang hatiran kita rito ng almusal?" tanong nito sa akin. Tumayo ako sa tabi niya. "No, ako ang walang trabaho sa atin kaya ako na lang ang magluluto." Tinitigan ko siya dahil nakasaludo ang hotdog niya kaya kinapa ko iyon. "Aga ah, gusto mo iprito kita?" biro ko kay Dwayne. Iyong mukha niyang hindi makatiis ang tinawanan ko kaya tumakbo na ako agad sa kusina.
Sinisilip-silip ko siya sa kwarto kung hahabulin ba niya ako pero hindi niya ako hinabol. Akala ko ay babawi siya. Nakita ko siyang nag-ayos na ng pinaghigaan namin, sobrang laking tulong ni Dwayne dahil hindi ako mahilig mag-ayos ng kama tuwing gigising ako. Gusto ko, kung ano ang ayos ng kama kapag nagising ako, ganoon din kapag natulog ako. Pero ibang-iba ngayon na nandito si Dwayne. Mas gusto ko nang maayos ang higaan bago ako matulog.
Muntik ako nitong makita dahil nang matapos na siyang mag-ayos ng kama ay dumiretso na siya para maligo.
Tinotoo ko ang biro ko sa kaniya at napagpasiyahan kong magprito lang ng hotdog. Sinabay ko na rin ang pagsangag ng kanin na galing sa ref dahil hindi naubos kagabi. Hindi ako nakakain kagabi, pero mukhang mas hindi nakakain si Dwayne.
Nang matapos mag-CR si Dwayne ay halos tapos na rin ako sa pagluto. Bihis na rin siya para pumasok. Nakangiti akong binati siya.
"This is good morning!" masigla, may buhay na bungad ko sa kaniya. Umakto itong hindi makapaniwala sa nakikita. "Now, you're geting better. It's lovely, Aya!" Nagtimpla muna kami ng kape bago kami sabay na kumain.
"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong niya sa akin. Nag-isip-isip muna ako ng mga pwede kong punatahan pero wala akong maisip na magandang puntahan ngayon.
"Wala naman ngayon. Bakit?" Ngumiti muna ito bago ako sinagot. "After nitong makulit kong special investor, gala tayo!" aya sa akin ni Dwayne. Sumama ang tingin ko sa kaniya.
"Sa tingin mo makakagala tayo, ngayong tag-ulan? Kung may naiisip ka, saan naman?" nagtatakang tanong ko kay Dwayne. Napangiti sa akin si Dwayne at mas lalong lumawak ang ngiti.
"How about let's fly to Korea?" tanong nito sa akin, sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong balak mag-out of the country, ikaw lang ang mayaman at hindi ako." Kinuha ko na ang plato niya dahil simot ang hotdog at ngayon medyo natuwa ako dahil kumakain pala si Dwayne ng sangag na kanin.
"Okay, mag-resort na lang tayo. Iyong may spa, salon, beers, at special dinner date. Kahit isang araw lang, para makapag-break ako sa stress at pambawi dahil hindi tayo nakapag-celebreate ng daysary natin." Natawa ako sa sinabi na naman nitong daysary. Pinanindigan na talaga niya.

BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?