Chapter 18

30 0 0
                                    

Chapter 18
30 Days of Moving On
10 Night

"Gising ka na, Senyorito?" Nag-inat-inat si Dwayne. Galing sa malamig na pagkakatulog. Lumipat ako sa lamesa na katabi lang ng bintana kung saan siya nakahiga. Mukhang nakatulog siya nang mahimbing.

"Ang pogi mo kapag tulog. Tulog ka ulit!" pang-aasar ko sa kaniya saka ko pinakita ang picture niya sa selpon ko na nakanganga habang natutulog.

"Hoy! Akin na iyan! Burahin mo 'yan. Baka gusto mong halikan kita." Tinignan ko lang siya dahil sobrang pikon niya sa mukha niya.

"Hindi ka ba proud na may picture kang ganito sa akin?" Natawa ako sa mukha niya dahil para siyang mangangain ng tao sa sobrang pikon. Kulang pa ata ang tulog niya. Sabog ang buhok niya at iyong mata niya parang namamaga at nakabakat pa ang natuyong laway sa mukha niya.

"Kapag ikaw hinalikan ko, maninigas ka." Hindi ako natatakot sa kaniya. Hindi naman niya iyon gagawin. Nakikita kong inaantok pa siya. Lalapit sana siya sa akin, kaso bigla akong tumayo. Napatumba siya sa sahig.

"Matulog ka na lang ulit. Sa kama ka na matulog. Ako na sa sala. Magluluto lang ako tapos kain tayo at ituloy mo iyong tulog mo, mukha kang pagod." Tinignan lang niya ako habang nakatulala siya sa sahig. Groggy ang lolo mo. Para siyang nagising na may hang-over.

Napasimangot siya habang nakatulala sa sahig. Hindi ko na lang pinansin at nagtungo ako sa kusina. Naalala ko na may inuwi kami kagabing mga ulam. Nag-alala ako na baka panis na ang mga ito pero awa ng Diyos ay hindi pa naman. Pinainit ko lang ang mga iyon. May tirang kanin pa mula kaninang tanghali. Ang galing ko magsaing, tamang-tama hanggang ngayong gabi.

Hindi kami nakapag-uwi ng kare-kare dahil naubos kagabi. Ang nauwi na lang namin ay crispy pata, pinakbet, at beef brocolli. Halos iyong kare-kare at bulalo lang iyong naubos namin at iyon iyong mabilis na mapanis.

Hinanda ko na ang hapag nang lumabas na ang Senyorito. Galit ang mukha nito.

"Oh, good morning. Bakit ganiyan ang mood mo?" tanong ko sa kaniya. Dumiretso siya sa lababo at naghugas ng mukha. Pinunas niya rin iyon sa damit niya kaya pinahubad ko iyon sa kaniya.

"Ow," nasambit ko. Namula ako dahil bakit ko nga ba pinaalis ang nabasang t-shirt niya? Iyong sarili ko talaga minsan pabigla-bigla.

"Basa na kasi ito. Kuha ka na lang ng bagong damit sa kwarto. Magkasakit ka pa niyan." Masama pa rin ata ang timpla niya.

"Bakit ang ganda ng mood mo ngayon?" tanong nito sa akin. Nakangiti pa rin kasi ako kahit naiinis  at masungit siya.

"Maganda iyong nabasa kong libro. Tungkol sa positive thinking and positive result," nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Sana lagi kang ganiyan, hindi iyong parang pasan mo ang mundo." Inilapag lang niya ang shirt sa upuan. "Dito na muna ito habang pinapatuyo. Mahirap maglaba ngayon dahil tag-ulan na." Umupo siya kung saan niya sinampay ang t-shirt niya.

"May dryer naman tayo. Mas maigi kung magsusuot ka ng t-shirt. Malamig ang panahon." Napatingin siya nang masama sa akin.

"Nasobrahan naman ata ang pagiging positive mo." Napatigil ako, ang sarcastic ng pananalita nito. Parang may iba kay Dwayne ngayon. Dahil ba ito kanina na hindi ko siya pinagbigyan? Nang maisip ko iyon ay hindi ko na siya pinansin. Ang mga lalaki, iyon lang talaga ang habol sa mga babae.

Maya-maya pumunta siyang kwarto at nagpalit ng damit. Tinulungan niya akong magsandok ng kanin at mga ulam.

"Pamilyar ang amoy, ah." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Wala tayong celebration ngayon. Sorry." Umupo kaming sabay sa lamesa. Ready to eat na kaming dalawa ng hapunan.

Kaunting kanin lang ang kinuha ko dahil gabi na, diet ako.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon