Chapter 15

32 0 0
                                    

Chapter 15
30 Days of Moving On
9

Nagising ako nang may gumalaw sa may hita ko. Masakit pa ang ulo ko. Nakita kong nakakakalat ang mga lata ng alak at ang pizza box ay hindi pa naliligpit.
Masakit na ang ulo ko paggising mas sumakit pa dahil sa nakikita ko ngayong mga kalat. Nang madama kong nag-inat-inat sa bandang hita ko si Dwayne, mas lalong uminit ang dugo sa utak ko.

"Ah! Aray naman, Aya! 'Wag mo naman ako tanggalan ng anit!" sigaw ni Dwayne sa akin dahil sinabunutan ko siya. Ang ganda ng higa niya sa hita ko buong gabi at ang galing lang dahil sarap na sarap ang tulog niya habang ako iyong nagtiis na nakaupo sa sofa.

"Ang saya mo naman!" tumayo akong nagdadabog para sana ayusin ang mga kalat na nagpapainit ng ulo ko. Ngunit, naramdaman kong kumirot ang dalawang binti ko at nabuwal ako sa sahig dahil sa sakit.

"Oh, anong nangyari sa'yo riyan? Aga-aga gusto mong maglupasay?" tanong pa niya sa akin nang pabiro.

"Talaga bang wala kang pakiramdam?"sarkastiko kong tanong sa kaniya. Hindi niya maramdaman na hindi ako natutuwa sa kaniya. "Nakita mo ang ginawa mo sa akin buong magdamag?" tanong ko ulit na nagbabakasali ako na maunawaan niya ang ibig kong sabihin.

"Teka, hindi naman tayo nag-sex kagabi 'di ba? Hindi naman kita ginalaw kaya malinis ang konsensya ko!" pasigaw at nakataas pa ang dalawang kamay niya na parang sumusuko ito sa isang pulis.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi pa rin niya nakuha ang gusto kong sabihin.

"Walang nangyari sa atin kagabi pero itong hita ko, pinagtulugan mo lang naman! Oh, hindi mo pa rin alam kung bakit nangalay itong binti ko sa sobrang bigat ng ulo mo?" Nakita ko siyang patawa-tawa pa.

"Nakatulog pala ako kagabi? Sensya na pagod na pagod kasi ako kahapon. Pinaghintay mo rin ako sa labas ng bahay mo kaya hindi ko napigilan makatulog." Inakay niya ako patayo habang hinihilot-hilot ko ang mga binti ko.

"Ayusin mo iyang mga kalat nang matuwa naman ako sa iyo!" pautos kong saad habang nakasibangot siya sa harap ko.

"Opo, Mahal na Reyna." Nag-bow pa siya at mukhang napipilitan sa sinabi. Unti-unti na niyang iniligpit ang mga nakakalat na box na pizza, ang mga plato, baso at pitsel na pinag-inuman namin kagabi. Nagwalis na rin siya at mop sa harap ko.

"Sipag naman ng alipin ko." Natawa siya sa sinabi ko at kumanta...

"Ako'y alipin mo kahit hindi batid, aaminin ko minsan ako'y manhid. Sana ay iyong naririnig, sa'yong yakap ako'y nasasabik." Nakita ko ang lungkot sa labi ni Dwayne habang kumakanta siya. Kahit na sa tingin ko ay nagpapatawa ito, dinig mo sa pagkanta niya ang lungkot.

"Bakit ka tumigil? Saka bakit parang hindi naman nakakatawa iyong banat mo ngayon?" masigasig kong tanong sa kaniya. Ang ganda pala ng boses ni Dwayne.

"Themesong kasi namin iyon ni Betina." Narinig ko ang pangalan ni Betina, naalala ko iyong may kasama si Betina sa isang coffee shop na lalaki na kaharutan niya.

"Oh, eh bakit parang nalungkot ka?" Hindi muna sumagot si Dwayne sa akin. Inayos niya muna ang mop at pinatuyo sa labas ng bahay. Nag-spray siya ng air freshener kaya mas lalo akong na-goodvibes.

Hindi niya sinagot ang tanong ko kahit na alam niyang naghihintay pa ako sa sagot niya. Nagpunta siya ng ref at nakita kong may nilabas-labas siya. Maya-maya, nakita ko na lang siya na nagluluto na pala. Pinilit ko nang tumayo dahil baka kung ano ang gawin niya sa kusina ko.

"Hoy! Sino nagsabi sa iyo na magluto ka? Bahay mo ba?" Patawa-tawa lang ito sa harap ko habang nagpi-prito ng itlog.

"Walang kalaman-laman ang stocks mo. Mamaya, mag-grocery tayo para naman magkalaman iyang fridge at pantry stocks mo." In-fairness, marunong magluto si Dwayne. Perfect pagkakaluto sa sunny side up egg.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon