Chapter 38

17 0 0
                                    

Chapter 38

30 Days of Moving On

28

It's Sunday. It's Tito Brian's burial, pero nandito pa ako sa isang fun run. Mag-isa ulit. Nang matapos na kaming tumakbo may isang lalaking lumapit sa akin. He's bald and I think he's old. Despite of his physique para sa akin na matanda, he's like Tita Maris na mukhang fresh pa. I can tell by the look in his eyes dahil nakangiti iyon. Nakakatuwa, kasi kahit matanda na siya, active siya sa mga ganitong mga activities.

"I'm Solomon. Most of the runners, call me Tito Monmon." Ngumiti siya habang nilalahad ang kamay sa akin. I smiled back kahit hindi ako sanay na kumakausap ng mga taong hindi ko kakilala. Somewhat in my mind, I have to smile, I have to lend back my hand at him.

"I'm Hyacinth Galvezo po, but Aya na lang po ang itawag mo sa akin, Tito Monmon," I replied. May lumapit na tatlo pang mga lalaki. Hindi sila mukhang ka-edaran ni Tito Monmon pero mukhang close na close ang mga ito dahil nag-fist bump pa sila sa isa't isa.

"Lagi ka po namin nakikita, noong una, mabagal-bagal ka pa, e. Pero ngayon halos makaabot ka na sa top 3." Napatingin ako sa isang lumapit na lalaki. I don't know him pero mukha siyang mabait at mamasel-masel din ang katawan, actually lahat sila sa harap ko.

"Yeah, baka mamaya niyan, ikaw na ang top. Napansin kita kanina, ikaw 'yong nag-over take sa akin." Tumawa ang tatlo at maging si Tito Monmon. Ngumiti lang ako nang tipid.

Natahimik saglit.

"By the way, Aya, madalas nga kitang makita na tumatakbo na may kasama. Pero ngayon, napapansin kong mag-isa ka. Gusto mo bang sumama sa amin kapag may iba pang fun run? Marami kaming kasamang mga girls din at marami kang makikilala. Mababait sila. We're part of a community that serves the Lord. Itong Fun Run, bonding namin," basag ni Tito Monmon sa katahimikan. He smiled at magaan ang loob ko sa kaniya. Iyong mga kasama naman niyang lalaki ay isa-isa rin na nagpakilala sa akin.

"It's nice meeting you po. Let me know na lang po kung may mga takbo." Nagpalitan kami ng mga facebook accounts at sinama pa nila ako sa mga groups na may mga fun run.

May mga dumating din na mga babae at masasabi kong mukhang batak nga ang mga katawan ng iba. "Believe us, Aya, right?" paninigurado ng isang babae sa pangalan ko matapos ako ipakilala ni Tito Monmon at ng tatlong lalaki na kakakilala ko pa lang. "Mas mataba pa kami kay Dumbo noon, pero dito kami pumayat sa mga fun run, at gym. Minsan sama ka sa amin." Tinutukoy niyang Dumbo ay iyong nasa Showtime na matabang lalaki. Hindi pa kami gaano magkakakilala ni Michelle pero niyaya na niya akong mag-gym. Hindi ko alam 'yong mararamdaman ko kung matututuwa ako. Noon kasi, naiirita ako agad. Ngayon, hindi na. Natutuwa na ako na may bagong taong kausap na pwedeng maging kaibigan at hindi lang puro mga kliyente ko ang kausap ko.

"See you next time, Aya!" sigaw nilang lahat. Nagpaalam ako dahil susunod ako sa Tagaytay. Mahaba ang biyahe at magko-commute lang ako. Alam ni Arn na may takbo ako at mahuhuli ako sa libing.

Nang makarating ako ay tanghalian na. Nalibing na si Tito Brian ngunit may salu-salo pa sa kanilang bahay. Nakabalik na sila sa bahay at kami-kami na lang ang nandito. May mga nagdadasal pa habang inililigpit ang ibang mga gamit. Natapos akong kumain nang hindi ko masiyadong inaabala si Arn. Lumapit lang ako kay Tita Mabel nang dumating ako, niyakap ko siya at nagpaumanhin akong nahuli ako. Naiintindihan naman daw nito.

Napansin kong hindi na gaanong malungkot si Arn. Nandito na si Sharon. Mukhang okay na silang dalawa at masaya ako para sa kanila. Hindi lang sila makakapagkasal ngayon dahil magbababang-luksa muna si Arn. Kasama ko si Sharon kapag may inuutos kay Arn. Nagkikwentuhan lang kami. Naikwento rin nito ang mga nangyari sa akin. Kinuwento pala ni Arn ang tungkol sa akin. Magagalit sana ako kay Arn kaya lang ay isa raw ako sa mga pinag-awayan nila dahil nagseselos siya sa akin. Nilinaw ko sa kaniya kung ano ang ugnayan namin ni Arn sa isa't isa at sinabi kong napakalaking tulong ni Arn sa akin.

30 Days of Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon