Chapter 2
30 Days of Moving On
Day 1
Huminga lang ako nang malalim dahil kay Arn. Pinagsisisihan ko na siya ang hiningan ko ng tulong. Mukhang papakasuhan ko si Arn ng Privacy Act, pero imposible iyon, wala akong pambayad ng abogado.
"First thing, first!" Napatingin ako kay Arn dahil para siyang pulis na nasa harap ko, handang humuli ng mga gamit ko, mga gamit ko na may kinalaman sa ex-boyfriend ko.
"O-plan linis ng bahay, linis buhay. Wala dapat matira na gamit na may kinalaman sa kaniya o mga gamit na mapapaisip ka ng tungkol sa inyong dalawa. Wala na dapat na gamit na magtuturo pabalik sa alaala ninyong dalawa." Hindi ko ata gusto ang ideya ni Arn, hindi nakakatuwa na bibili ako ng mga bagong gamit para lang sa pagmo-move on ko. Ang gastos palang mag-move on.
"This is a crap, Arn. Halos lahat ng gamit dito, nahawakan niya, halos lahat ng gamit dito, may alaala naming dalawa," pag-angal ko sa kaniya.
"So ayaw mo nang mag-move on?" tanong niya sa akin. Hindi ako nakaimik sa tanong niya.
"Kaya ka nga hindi maka-move on. Dahil dito." Itinuro ni Arn ang mga gamit, lalo na ang lugar na tinatapakan niya.
"You don't move away. Hindi ka umaalis, hindi ka nag-aalis ng mga bagay na dapat ay kasama mong tinapon nang mawala siya buhay mo. Kung sabihin ko sa iyo na itong mga gamit pa lang na ito, hindi mo na maalis sa buhay mo, siya pa kaya na kusa nang umalis sa bahay na ito? If you really want him out of your life, then you have to move away all these things away from you." Mabigat ang loob kong pumunta sa kusina. Kung saan, halos lahat ng mga lutuan na ginagamit namin noon para sabay na magluto ng mga paborito naming pagkain ay tinanggal ko na. Inilagay ko lahat sa mga sako.
"I'll post some items na pwede pa, para maibenta pa natin sa iba. Then iyong mga mapapagbentahan natin, pwede na natin ipambili ng bago." Naisip ko rin ang sinabi sa akin ni Arn, pwede pa gamitin iyong iba pero may mas na-realize ako. Tama naman siya, kung itong mga bagay na ito ay hindi ko maalis sa bahay ko, ano pa kaya ang pag-alis sa alaala namin sa buhay ko.
"Ito iyong toothbrush niya. Alam mo ba na pagtapos namin kumain, hindi pwede na hindi kami mag-toothbrush nang sabay? Kaya ayan, kahit na sobrang tagal na rito, hindi ko pa rin tinatapon. Alam ko kasi na kapag tinanggal ko ang toothbrush niya, parang tinaggap ko na rin na iisa ko na lang dito sa bahay. Palagi ko kasi iniisip na nandito siya, na may kasama ako, na may kasabay ako. Ang hirap kasi, eh. Isa ko na lang. Nasanay kasi ako na palagi siyang nandito," mangiyak-ngiyak akong tinitignan ang isang toothbrush na mag-isa na lang sa lagayan.
"Wala na talaga siya." Nagpatuloy na ang pag-iyak ko, hindi ko na mapigilan. Hindi ko ata kaya na alisin ang mga gamit niya. Hindi ko yata kaya.
Naramdaman ko ang pag-tap ni Arn sa likod ko. Napakalma ako nang bahagya habang humihinga nang malalim. Nakita niya akong umiiyak. It is something na alam kong hindi niya alam. Hindi naman ako umiiyak sa harap ng kahit na sino. Ang alam lang ni Arn, kung ano lang ang pinapakita ko sa kaniya. Hindi niya alam ito, hindi niya alam na iyakin ako.
Natahimik si Arn. Tama nga ako, hindi niya alam na umiiyak ako, na hindi naman talaga ako strong.
"Water," alok niya sa akin na may pagkahinahon na. "I never thought that you'll cry because of a toothbrush. Kung hindi mo pa kaya, hindi na kita pipilitin. Uuwi na ako." I stared looking sa ibinigay niyang tubig. Hindi na ako umiiyak pero alam ko at nararamdaman ko na nabigla si Arn sa nakita niyang pag-iyak ko.
Uminom ako ng tubig, just to break the akwardness sa pagitan naming dalawa. Ang laki ng pader na mayroon ako, para lang hindi nila makita na umiiyak ako, pero sa isang beses na sinubukan ng isang tao na wasakin ito, sumuko na ito.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?