Chapter 11
30 Days of Moving On
Day 7Maaga kaming nagising ni Arn para sa Fun Run Marathon na sinamahan namin. Ayon kasi sa kaniya, maganda na sumama sa mga ganitong event. Nakatulong ka na, nakakawala pa ng mga iniisip sa buhay. Buti pa si Arn, hiyang iyong mga ganitong gawa, ako kasi, napagod at hiningal lang.
"Hindi ko ata forte ito, Arn. Sa susunod, sasamahan na lang kita." Nakangiti ako kahit pagod na pagod ako dahil sa ideya ni Arn na tumakbo-takbo. Katatapos lang namin at parang mawawala na ang binti ko dahil sa pamamanhid dahil sa sobrang pagod.
Napangiti sa akin si Arn kahit na hingal na hingal na ito.
"Masasanay ka rin. Sa ngayon lang iyan na parang dinudurog ang katawan mo, pero kapag nasanay ka na sa pagtakbo, kapag nasanay na ang mga binti mo sa sakit, kapag nasanay na ang baga mo sa hingal at sa hangin na kailangan ng katawan mo, makikita mo, magiging mas magaan lahat para sa iyo."
Yumuko ako dahil mukhang hindi ako susukuan ni Arn dito sa pa-marathon niyang peg.
"Halika nga, magkape na lang tayo! May kape riyan na mas masarap pa sa Coffee Bean." Sumama na ako sa kaniya dahil awarding na lang naman. Finisher lang kaming dalawa, hindi man kami nanalo, napagod lang ako.
Nang makarating kaming dalawa ni Arn sa sinasabi niyang masarap na coffee shop, umorder na siya at ako naman ay gustong-gusto ko nang ihiga itong hingal at pagod na nararamdaman ko. Nakakainis na isipin na napapayag ako na magpakapagod, hindi ko kasi makuha iyong nakukuha ni Arn sa ganito, hindi naman talaga masayang mapagod.
"Oh, ito..." Abot sa akin ni Arn ng kape na kabibili niya. Amoy pa lang masarap na nga talaga. Napangiti ako.
"Hm, sarap nga." Nakangiti pa rin ako. Tunay ngang life starts at coffee.
"Kapag may takbo tayo, ililibre kita nito lagi." Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Ang sarap naman ng suhol mo sa akin," panunudyo ko sa kaniya. Totoo naman kasi, parang nawala ang pagod ko dahil sa kape na ito. Iba talaga ang nagagawa kapag good taste ang kapalit ng isang matinding pagod.
"Pag-iigihan nating tumakbo sa susunod para 'di tayo talo." Natawa siya. "Hindi naman importante kung manalo, eh. Ang mahalaga, matapos. Kita mo 'to?" Itinaas niya ang medal na may tatak na finisher. "Mag-iipon tayo ng maraming ganito." Ngumiti lang ako at itinaas ko rin ang medal ko na may tatak ng finisher, "Pero mas maganda kung may award tayo, iyong masasabi natin na tayo ang angat sa lahat!" Umukit ang ngiti ni Arn sa labi.
"Oh, bakit? Masama ba magkaroon ng goal?" Umiling siyang tugon sa aking tanong. "Natutuwa lang akong makita na nagiging okay ka na. Parang narinig ko kasi ulit iyong Aya na punong-puno ng goals noon." May pagkalungkot sa tinig niya ngunit hindi niya ito nais ipahalata sa akin. Bakit kaya ganito ang tono ng pananalita ngayon ni Arn?
Noon.
Iyong Aya noon.
Marami ba talaga akong nabago sa sarili ko?
"Tell me, Arn. Ikaw ba, okay na?" Natahimik siya. Humigop siya ng maraming kape, iyong halos maubos niya na. Then tumingin siya sa akin nang diretso. "Huwag muna ngayon." Tumango lang ako.
Naiba ang atensiyon ko nang makita ko ang isang pamilyar na babae kasama ang isang hindi kilalang lalaki.
I badly know her.
Betina.
Sobrang sweet nila na parang may relasyon sila. Sigurado ako na hindi si Dwayne ang lalaking kasama niya, kilala ko si Dwayne, hindi naman iyon magmamaskara ng ibang mukha. Iba ito, parang may lahi ng British ang itsura. Medyo malaki rin ang katawan, though yummy talaga ang katawan ni Dwayne, mas malaki itong sa kasama ngayon ni Betina. Dapat malaman ito ni Dwayne, ikakasal na sila at dapat malaman agad ni Dwayne na may ibang kasama ang fiance niya.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
ChickLitSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?