Chapter 8
30 Days of Moving On
Day 5
Mabigat ang aking ulo, pagkagising ko ay ganito na ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag dahil parang niyuyugyog ang aking unan kahit na alam kong wala namang gumagalaw nito. Alam ko pa naman ang lahat ng mga nangyari kagabi. Hindi pa naman lingid sa kaalaman ko ang lahat ng ginawa namin kagabi ni Dwayne.
"Iha, good morning. Breakfast na!" nakangiti na bati sa akin ni Miss Joanne habang naglalakad ako papunta sa mini restaurant ng resort. Hindi ko napansin na magkasama pala si Dwayne at ang fiance niya na si Betina. Hindi ko nga napansin na kung hindi pa sinubuan ni Betina si Dwayne ng hotdog ay masasabi kong parang kaibigan lang niya ito, tropa ba kumbaga. Kahit siguro hindi ipakilala sa akin si Betina, kung ganito na nagsusubuan ang isang lalaki at isang babae ay malalaman naman na mayroon silang relasyon.
"Ah, siya nga pala, hindi ko napakilala sa iyo kahapon si Betina, sobrang busy kasi nitong batang ito," sabi ni Miss Joanne. Itinuro ni Miss Joanne si Betina, "Siya nga pala ang fiance ng aking uniko iho, si Betina." "Betina, siya si Hyacinth Galvezo, ang aking newly found friend." Natawa si Miss Joanne sa kaniyang pagpapakilala sa akin.
"You know, Betina, Miss Hyacinth is good! She can talk to a client in a natural way. Kung sakali na magsawa siya kila Fara, kunin mo siya, she's going to be someone someday," nakangiti si Miss Joanne. Walang halong biro, parang itinataga niya sa bato ang kaniyang mga sinasabi. Nakakataba ng puso.
"Mukha nga po, Mommy! Gustong-gusto mo kasi siya, knowing you po, hindi naman po kayo agad-agad na nagtitiwala sa ibang tao, yet, Miss Hyacinth got you na in a short period of time." Nakangiti si Betina sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi makasalita ngayon si Dwayne. Gusto ko siyang samaan ng tingin kaso ay baka mahuli kaming dalawa.
"Siya nga pala, ano ang nagyari kahapon? Medyo nagkaroon kasi ako ng vertigo kahapon kaya nagpahinga lang muna ako." Kaya pala wala si Miss Joanne nang mga bandang hapon na.
"I'm on our room po, Mommy. Hindi kasi ako pinayagan ng Boss ko na hindi tapusin iyong project namin dahil kailangan na po iyon ngayon. Good thing is natapos ko na kagabi, it all went done smoothly kahit wala ako roon. Na-trained naman na iyong team ko at alam ko na kayang-kaya na nila iyong presentation para sa project ngayon. Pwedeng-pwede nang iwan." Parang may sumilay na disgust sa mukha ni Miss Joanne. Napatingin kasi ako sa mata nito.
"Ikaw ba Hyacinth, bukod sa pagiging orientor sa company niyo, ano pa ang ginagawa mo sa company?" tanong ni Betina. I never thought na ganito ito magtanong, kung wala lang si Miss Joanne sa harap namin, kanina pa ito nasupalpal.
Ngumiti lang ako nang tipid. Hindi ko matiis dahil hindi siya nagsalita ng kahit ano at halatang interesado siya sa akin, but ako, hindi.
"Not for you to know." Natawa si Miss Joanne. Pati si Dwayne nakita kong kamuntik nang masamid, uminom lang ito ng orange juice, pero halatang nagpipigil ito ng tawa.
Nakita ko naman na nagli-low si Betina sa pakikipag-usap sa akin. Served you right, bitch!
Natapos kami kumain, sana naman hindi na ako lapitan ni Betina dahil nakakairita ang mga kagaya niya. And for Dwayne, para siyang isang maamong tupa kapag nandyan si Betina. Now I know kung bakit ganoon na lang ang pakikipag-usap sa akin Dwayne kagabi. Dahil kahit ako, hindi ko gugustuhin ng ganoong babae. Lalo na ako, dahil hindi ako mahilig sa mga tao. Nakakatuwa, nakakalimutan ko ang bigat sa dibdib ko, iyong pagmomove on dahil sa tagpong ito.
I'm beginning to like this place. Medyo natututunan ko na nga na makalimot. After namin mag-breakfast, nag-aya si Miss Joanne na magpamasahe raw kami, spa kumbaga. Hindi ako mahilig sa mga ganitong leisures, pero dahil libre ay pumayag na ako.
BINABASA MO ANG
30 Days of Moving On
أدب نسائيSa tatlumpong araw ng Hulyo, magagawa ko bang kalimutan siya?