Chapter 1: She

1.1K 66 5
                                    

Quin

"All function is a relation, but not all relation is a function."

Kagat-kagat ang ballpen ay napatunghay ako sa guro namin sa math na abala sa pagpapaliwanag ng paksa ngayong araw. Tango lang nang tango ang mga kaklase ko kahit halata naman na karamihan sa kanila ay hindi naiintindihan ang sinasabi niya.

But how amusing.

I can really say that he is trying to say something indirectly like some sort of a connotation.  All function is a relation, but not all relation is a function may probably mean all true love is love but not all love is true love... Na narinig ko lang din sa math teacher ng kabilang section kahapon.

Marami pa nga siyang ginawang halimbawa pero hindi na ako mag-aaksaya ng panahon para isa-isahin 'yon.

"Okay, moving on. I want you to identify whether the following are linear functions and if it is, provide the equation. I'll give you 20 minutes to answer. One whole sheet of paper," he instructed firmly and rearranged the rim of his glasses.

Hindi ko rin sinasadyang napasulyap sa wall clock ng silid at napagtantong thirty minutes na lang din ang natira para sa first period. Yes. First period ay matematika agad. 

Mabilis ko namang inilabas ang one whole pad at nagsimulang isulat ang mga given. Sinadya kong bilisan upang makasagot kaagad.

"Pwede na yata akong mamatay," rinig kong bulong ng kaklase ko sa likurang bahagi. Hindi ko na siya pinansin dahil hindi rin naman ako mahilig makialam sa buhay ng iba.

Ilang minuto na rin kaming nagso-solve nang nagpaalam saglit si Sir dahil tinawagan siya ng curriculum chairman.

Bigla tuloy akong namroblema.

Talamak pa naman ang mga nangongopya at nagpapakopya rito sa classroom. And since they are rarely given a chance to do something as wrong as sharing their answers... surely they would grasp the opportunity.

"Quin, may answer ka ba sa number 6?" Sumilip pa siya mula sa likuran kaya pasimple kong tinakpan ang aking answer sheet ng libro.

Hindi ko siya nilingon pero tumango ako. I know what question she'll instantly raise but I don't care.

"Pakopya naman oh."

I shook my head. Kung nag-aaral lang din naman pala sila para mangopya at umasa sa kakayahan ng iba, sana hindi na lang sila pumasok pa. I study every night and every free time. They should have done the same thing so they will grow. 

Just few minutes later, bumalik si Sir and he stood in front like he's gonna announce something very important.

"Class, before anything else, I would like to introduce to you your new classmate who happened to enroll just last. May naging problema lamang sa mga papeles niya kaya hindi siya agad pwedeng ma-admit agad. Pasok ka, hija."

Everyone's attention was on the door and a pretty girl stepped inside with some cute head band and conservative dress. Nakapaskil din sa labi niya ang isang palakaibigang ngiti. 

Newcomers? I thought the enrollment is already closed since last week?

"H-Hi po." She bowed a little. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsasagot kaysa makiusyuso pa.

May mangyayari ba kung tutunganga ako sa new classmate namin? Obviously, wala. 

"Ako nga pala si Laveil Flores. 16 years old, ikinagagalak ko po kayong makilala," pagbati niya sa 'min na nagpakunot ng aking noo.

Makilala? Hindi ba parang ang advanced naman niya mag-isip? Lihim na lamang akong napailing at ibinalik ang atensiyon sa pagsasagot. And here I thought I'd ignore the newcomer's presence but I actually ended up mentally editing her faulty sentence construction.

A Crossroad ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon