Chapter 29: Friends?

346 22 0
                                    

[Quin]

"He's cute. Isn't he adorable?" Manghang nakatitig si Raven sa pusang nakita niyang gumagala sa subdivision kung saan kami nakatira. Mabuti na lang at day off ko kaya hindi ako nahirapan sa pagbabantay sa napakamakulit kong kasama.

He visits most of the time and I know... Were but having him as a visitor would seem more like babysitting than anything else. Ang gulo kasi. Halos saan napapadpad at kadalasan ay parang asong sunod nang sunod.

Although I notice he's kind of different today. Hindi maitatago ng suot niyang coat, white T-shirt, shorts at tsinelas, isama pa ang sunglasses na nakasabit sa t-shirt niya ang pagdududa ko.

He looks pale. Okay lang ba siya? At bakit parang ang hina niya? He isn't that energetic guy I know right now.

"Siguro. Teka, sigurado ka bang wala kang trabaho ngayon?" tanong ko. Mga alas-otso ng umaga at katatapos ko lang maligo nang bigla siyang sumulpot sa bahay at nag-ayang maglakad-lakad daw kami. My plan to sleep all day was perfectly ruined by this man. Palagi naman.

"Uhm, I actually skipped work today. I told them I don't feel well and all." Wala sa sariling nakurot ko na naman siya sa tagiliran. Hindi ba niya naisip na 'pag nalaman ng management niya ang kan'yang kalokohan ay maaari lang naman siyang pagalitan?

"At bakit ka naman nagsinungaling?" Napanguso siya kaya may karera na naman sa dibdib ko. Urgh. Stop it.

"I'm not lyingQuin. I have fever since yesterday..." Sa isang iglap ay natahimik ako. Nanginginig ang kamay na hinipo ko ang kan'yang leeg at napagtanto kong mainit nga siya. So that's why he was pale.

"Nababaliw ka na talaga! You should've stayed home. Take your medicine and rest," I can't help but reprimand him. This guy is a pain in the head! I felt his body shiver when I took his hand and felt how cold they are.

"I'm cold," he whispered. Mariin ko siyang tiningnan bago napailing-iling.

"Did you take your medicine?" nag-aalala kong tanong sa kanya. I cant help it! I saw how he shook his head.

"I didn't. I don't do that." Napabuntong-hininga na lang ako. Ano bang akala niya sa katawan niya, bato? Eh kahit nga bato ay naaagnas kapag patuloy na nauulanan, siya pa kaya?

"You're killing yourself that way, Raven," nasabi ko na lang bago siya alalayan pabalik sa bahay. Nakakainis ang lalaking 'to. Doesn't he want to live long with a healthy body? A lot of people even those who can't afford to go to the hospital and take meds try to find some herbal alternatives just to feel better!

At ito siya! Walang ginawa kun'di maglakwatsa!

"Are you mad?" Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pag-aalalay sa kan'ya. His weight on mine is challenging for my body but I was trying. Hindi rin naman kalayuan ang bahay namin sa distansiyang nalakad namin.

May sakit siya pero pumunta pa rin siya rito, nag-drive, at naglakad-lakad. Ang tigas ng ulo. Napapikit ako nang dumapo ang kamay niya sa akinh baywang. The shivers and the scorching warmth it made me feel were contradicting and did not make sense at all!

Nakikiliti ako pero tiniis ko na lang.

"Okay ka pa ba, Raven?" His minute of silence made me worried sick!

"Still here, honey. Nothing to worry about," bulong niya. Nakahinga ako nang maluwag sa 'di malamang kadahilanan. I mean, of course I should be happy hes still conscious!

"Huwag ka munang himatayin," paalala ko, almost begging.. If he would definitely lose consciousness right here and then, it would be big trouble! Hindi ako kasing tatag ng puno.

A Crossroad ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon