[Quin]
"Ate Quin! Long time no see!" Jaydee's joyful voice greeted me as soon as I went home from work. Niyakap niya ako kaya niyakap ko na rin siya, hindi ko pa nga nahuhubad ang aking sapatos, o natatanggal man lang ang aking bag. It was 3 days ago when she called and said she'll be coming over for the meantime.
At narito na nga siya ngayon. All smiles and radiant like the sun as she always have been. This child is very cute. She has a jewel-like eyes, and thin lips that can give a real, wide smile any time. Hindi na ako nakaapela nang hinila niya ako papunta sa sala.
"Gosh, ate! Ilang taon na rin simula nang nabisita kita! You look beautifuler— more beautiful pala, hihi." Bolera talaga. She's grinning from ear to ear as she looked at me. There is something in those eyes but I didn't bother asking.
Palagi namang may kakaiba siyang iniisip. Bata pa siya, kaya gano'n.
"Uh-huh. And pigs can fly," I almost snorted. Napasimangot lang siya bago naupo sa sofa. I did the same thing. Medyo masakit ang mga mata ko sa mga ilang oras na pagbababad sa computer pero nasanay na rin ako.
"Ang KJ mo pa rin talaga ate. Hindi ka pa rin nagbabago," nakangusong pahayag niya. Hindi na ako nagulat kan'yang sinabi. It would be weirder being shocked about it.
"Anyway, Jaydee. Ilang araw kang mananatili rito? I heard your entrance examination sa UP is next week..." Ipinatong ko muna ang bag sa center table bago sumandig sa sofa. My back kinda hurts from sitting too much too. I need a damn stretching right now.
"Mga three days siguro, ate. Magpapatulong din kasi ako sa mga ibang lessons para sa exam ko." Napaikot ako ng mga mata. As expected. She even gave me a cute smile and I wont be needing a shrink to know what it means.
"But you very well know I'm a busy woman, right?" Nagpaawa effect siya which I find very cute. She's too childish para sa edad niya pero hindi ko rin naman dapat pakialamanan 'yon. Who am I to do so?
May naalala na naman ako bigla dahil sa kan'yang nakangusong labi. Urgh. Bakit ko na naman ba iniisip ang lalaking 'yon?
"Ate Quin... please?" pamimilit niya pa saka pinagdaup pa ang mga kamay namin. Napabuntong-hininga na lang ako.
Mukhang determinado talaga siyang pumasa, and that is good. People must have a dream and live up to that dream. I remembered doing the same thing to pass some series of tests to accelerate. Although some of my teachers were disappointed with my chosen career, they can't stop me.
Ito ang pangarap ko. Kahit gaano man kasimple para sa iba, napakamalaking bagay na 'yun para sa'kin.
"Fine. But promise me you'll pass this one." I know I'm asking too much from her but I know she can do it. Malaki ang expectation ko sa kan'ya, pati na rin ang buong pamilya niya.
Alam kong matalino siyang bata. Kahit nga ang mga slow-learners pero masisipag mag-aral ay pumapasa, mga fast learners at masisipag pa kaya?
There is success if hard work and passion comes together. Always.
"I will do my best po." Tumango-tango pa siya saka ngumiti nang kakaiba. I raised an eyebrow. This kid always surprises me. "Ate Quin... Hindi ba day-off mo bukas?"
"Yes, and so?" I crossed my arms. Humawak pa siya sa braso ko na parang sinusubukan niya akong pa-oo-hin sa kung ano man ang gusto niyang sabihin. There are a lot of people with such technique, and I don't know how influential it is.
"Pwede mo ba akong samahan mamaya?" she asked, her eyes twinkling.
Napatingin agad ako sa relos ko. Mag-aalas tres na pala ng hapon. Mabuti na lang at nag-half day ako. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko dahil ilang araw na rin akong hindi nakatutulog sa dami ng trabahong kailangan kong tapusin. Isama pa ang kaiisip sa mga bagay na gustong-gusto ko nang kalimutan.
BINABASA MO ANG
A Crossroad ✔
RomanceQuindal Angelo is uptight, too focused on her dreams and selfish preferences. She's the epitome of a woman who won't need a man for the rest of her life. Like, why would she? She hates complications. But, not until the handsome- ahem ahem, the dro...