[Carmela]
Maingat kong itinulak ang wheelchair palapit sa kinaroroonan ng hanggang ngayon ay wala pa ring malay kong anak. Tahimik ang maaliwalas na pasilidad habang nakaratay naman sa kama si Quin na parang natutulog lang.
Walang mahihinuha sa kan'yang kaanyuan ngayon kun'di ang pansamantalang pamamahinga niya mula sa sakit na sobrang nagpapahirap sa kan'ya. Kahit ganito kahirap din para sa akin ang maghintay na lamang ng milagro, may parte sa aking napapanatag dahil kahit nakapikit ang kan'yang mga mata at wala siyang kamalayan, hindi rin siya nasasaktan.
Kahit masakit.
Sobrang sakit isipin na ina nga ako pero hindi ko man lang mapawi lahat ng sakit na dinaranas ng aking anak sa loob ng ilang taon. Lumpo na nga ako, hindi ko pa nagampanan nang maayos ang aking responsibilidad. Everyday, I watch her shake from all the pain she felt, and even if I comfort her, I know she is still afraid.
Kasi hindi naman nawawala ang takot sa tao. Katulad ng takot kong mawalan ng anak, takot rin siyang mamatay. Takot na takot.
Apat na buwan.
Apat na buwan na ang lumipas pero ang mga ngiting minsan lang masilayan, at ang seryosong mukha ng aking anak ay mananatili na lang na isang alaala. Na baka balang araw... Hindi ko na ulit makikita kung sakali mang tuluyan na siyang bawiin ng Diyos.
Apat na buwan na rin simula nang makita ko ang pagdalaw ng batang si Raven dito. Tulad ng anak ko, wala pa rin siyang malay hanggang ngayon.
Pareho lang na walang kasiguraduhan ang buhay nilang dalawa. Naaawa ako sa pamilya niya pero wala akong magagawa. May sarili rin kaming labang hinaharap sa pamilya namin.
Nag-iisa lang naming anak ni Rodulfo si Quin. Bilang ina, marami akong pangarap para sa kan'ya. She almost achieved everything she needs and wants, but her disease made the better of her.
Ni minsan, hindi sumagi sa isipan ko na mangyayari to.
Ang panahon kung kailan silang dalawa na ang magkukumahos na magpatuloy pa sa buhay. At hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong gawin para maibsan ang hirap na dinaranas nila.
Kung kailangan ko pa sigurong ialay ang kaluluwa ko makita lang ulit ang anak kong malusog at masaya sa buhay, gagawin ko 'yon. Kasi gano'n naman ang isang magulang. Gagawin ang lahat para sa kan'yang anak.
Kahit buhay niya pa ang kapalit.
"'Nak... Kumusta ka na? Matagal-tagal na rin, ah? Nami-miss ka na ni mom mo..." Hinaplos ko nang marahan ang buhok niyang tumutubo na dahil sa wala ng sobra-sobrang gamutan ang nangyayari tulad noon. Itinuturing kong isang senyales na may pag-asa pa para sa kan'ya ang unti-unting pagtubo ulit ng buhok ni Quin.
Sa tuwing ginagawa ko 'to, napapatanong na lang ako sa sarili ko kung kailan ko pa kaya makikita ulit yung malusog kong anak. Payatin man si Quin pero hindi naman siya sakitin. Ang mga mata lamang niya ang diperensiya na pilit naming inagapan pero ito rin pala ang sisira sa kan'ya.
Ang batang iyon ay hindi tulad ng anak kong nakikita ngayon— wala ng kabuhay-buhay kong titingnan habang nakahiga sa kama. Maputla, walang kagalaw-galaw at parang himbing na himbing lamang sa pagtulog.
"Morning, my dear daughter. How's your sleep?" Nakangiting nilingon ko ang aking asawa na nakahawak sa sandalan ng wheelchair at nakangiti ding kinakausap ang anak namin.
"Dad naman, natutulog pa si Quin. Nag-eenjoy pa siya sa paghinga niya eh." Pinilit kong magbiro para kahit papaano ay maibsan ang bigat ng aking kalooban. Ganito na lamang ang aking ginagawa sa mga nagdaang taon kahit kaunting problema lang sa pagpapagising kay Quin ay halos maglupasay na ako.
BINABASA MO ANG
A Crossroad ✔
RomanceQuindal Angelo is uptight, too focused on her dreams and selfish preferences. She's the epitome of a woman who won't need a man for the rest of her life. Like, why would she? She hates complications. But, not until the handsome- ahem ahem, the dro...