Chapter 57: Pull and Push

261 16 0
                                    

[Quin]

"I need to take my maintenance." Hawak-hawak pa rin ako ng dalawa habang nakalalayo na kami sa dagat ng mga taong papalabas ng center. Hindi ako pumayag sa drama nilang wheelchair kasi mas'yadong agaw pansin 'yon.

Katatapos lang ng concert at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ako ang saya at fulfillment sa aking dibdid from everything I witnessed with the help of binoculars. Seeing Raven, dancing and singing and entertaining people that close after six months of being caged in a four-cornered, white-painted walls and painful treatments.

"Lets hurry up since you need to take a lot of rest. Remember? Chemo tomorrow and it's getting late already." Halos buhatin na nila ako pabalik sa sasakyang naka-park hindi kalayuan. Inabot naman agad ni Lawrence sa'kin ang gamot at ang bottled water nang nakapasok na kami sa kotse at nag-aayos na lang nang kaunti.

I feel terribly exhausted from the flock of people but my body is alive.

It was all worth a shot because I have never been this happy after some months. I wonder if Raven head home now? Or is he staying in the backstage still for some arrangements?

Pero wala naman siyang backstage na meet and greet. Na-issue nga iyon dahil pagkatapos ng kan'yang mga performances ay hindi na siya nagtatagal. He is always seen in a hurry exiting. And it is not that... good for his image because he is being rude.

Matapos uminom ng gamot at ayusan ni Anne sa backseat ay napagpasiyahan naming umuwi na. I was still recovering from my difficulty in breathing because the crowd was very dangerous to me. Idagdag pa na bahagyang sumakit ang aking tiyan dahil nahuli ako sa pag-inom ng maintenance.

I stayed in the backseat and stared at the city lights while Anne moved in front. Antok na antok na ako pero gusto ko pang makita ang ganito kagandang tanawin sa personal tulad nang nakagawian ko noon, na hindi na ngayon. My life the past months evolved inside a medical facility and receive intensive care from doctors.

Baka kasi hindi ko na 'to makita sa susunod na mga... panahon. O baka hindi na ulit ako makalabas ng ospital.

I was almost asleep when I felt the car shook. Mukhang mabilis na nagpreno si Lawrence kaya halos nasubsob ako sa harapan kung hindi lang ako naka-seatbelt. Napahawak tuloy ako sa upuan ng front seat at sinilip sila upang kumpirmahing maayos.

What the hell?

"A-Ano'ng problema? Why did you stop?" hindi ko mapigilang itanong habang bakas ang pangangamba sa boses. Ano'ng nangyari? Are we in an accident or... what?

"A vehicle almost crashed on us. I'm going out for a bit. You wait here," utos ni Lawrence sa'min, naiinis ang boses. Lumabas siya ng kotse at mukhang makikipag-areglo sa muntik na naming nakabangga. Napabuntong-hininga na lang ako saka isinandig ang ulo sa bintana ng sasakyan.

Damn it. I was really feeling asleep and I am very worried right now. God, I hate accidents!

"I'm going out too, Quinnie. Stay here okay?" Tumango na lang din ako kay Anne. Nakita kong nabuksan na niya ang pinto at sumilip saglit nang lumingon ulit siya sa'kin, nanlalaki ang kan'yang mga mata at bakas sa mukha ang pangangamba

"Oh my God! Just stay here, Quinnie! Okay? Just stay here! Don't go out!" Nangunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya. Her voice is trembling and shaky as she pushed the door open finally. 

"W-Why?" medyo natataranta kong tanong. Anne's facial expression is grave. Para siyang nakakita ng multo at alam kong overreacting talaga silang dalawa pero hindi ko mapigilang kabahan nang sobra.

"J-Just don't get out of here!" Mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Sumilip ako sa harapan at naaninag kong medyo marami ang kausap ni Lawrence. Ipagsasawalang bahala ko na sana ang ganap sa labas nang makita kong itinulak si Lawrence ng kung sino man ang kausap niya.

A Crossroad ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon