Chapter 15: Busy

407 27 2
                                    

[Quin]

"Mom, I'm going now," paalam ko kay mom habang pababa ng hagdan. Nakasukbit sa balikat ko ang shoulder bag ko habang dala-dala ang coat na nakagawian kong sa opisina na lang suotin.

The house is as usual big, but the silence is familiar. Hindi rin naman ako pumapayag na may maids, kahit din naman si mom. We just call for the caretakers during the weekends but in the weekdays, we all prefer the silence.

"Nak, huwag ka nal lang kayang pumasok ngayon?" I heaved a sigh. Sa ikatlong pagkakataon ay gan'yan na naman ang bungad ni mommy sa'kin matapos kong mag-ayos para sa trabaho.

Tatlong araw na rin simula nu'ng nakatakas ako, hindi lang du'n sa mga lalaking kumuha sa'min kun'di pati na rin sa media. Matapos maisugod ni Raven sa ospital, inihatid ako pauwi ng manager mismo niya ayon na rin sa kan'yang kagustuhan. They wanted me to stay and receive medication but I rejected the offer.

Gusto ko nang umuwi kaagad. I don't want to stay at places near him any longer. Napatunayan ko nang sobrang peligroso 'yon para sa'kin. I was not only traumatized, I am damn scared with myself. I don't trust myself around him anymore.

"Mom, pag-aawayan na naman ba natin 'to?" Nilapitan ko siya na nakaupo lang sa kan'yang wheelchair at matamang nakatingin sa akin. I know she's worried but I can't go on like this. May buhay pa akong kailangang panindigan.

"Hindi ko lang mapigilan, 'nak. Baka kasi maulit na naman 'yon... B-Baka hindi ka na talaga ibalik sa'kin sa susunod..." Her eyes started to well up and it hurts so much. I gave her a tight hug, sobrang higpit na mararadaman niya kung gaano ko siya kamahal.

I really appreciate her concern but it can't be helped. Kailangan kong magtrabaho. 

"I'll be fine mom. Just trust me," I assured her as my eyes wandered on the plasma TV in front. Agad na nangunot ang noo ko sa nakikitang kasalukuyang ibinabalita sa news TV.

"Matapos ang naganap na kidnap-for-ransom sa International artist na si Raven Del Fierro ay mas hinigpitan ang seguridad hindi lang—"

I turned it off as fast as possible. I don't wanna hear, and see anything with connection to him. I plan to forget it no matter how impossible it may seem. Kapag naaalala ko ang nangyari at ang naging bunga nito, hindi ko mapigilang mag-alala.

It's way scarier on social media. I don't usually check my accounts since they are only for business purposes, but I did due to curiosity. Usap-usapan na ang pagkakakilanlan ng babaeng pinaniniwalaan nilang siyang nobya ng iniidolo nila.

And it's no other than me. Mabuti na lang at suot ko ang ibinigay na mask ni Raven. Although it worsen the situation. It turned out fans know that little thing is his favorite mask and because I'm wearing it, mas lalo lang nilang napapatunayan na may 'malalim' nga kaming relasyon. 

Seriously?

Their assumptions are so scary I'd rather go blind and deaf than hear or see anything! What the hell is wrong with the people in this generation?

Kung alam lang nila kung ano ang tunay na nangyari! Baka hilingin pa nilang huwag na lang makilala ang lalaking 'yon. Tsk.

But I don't wanna do some sort of story telling. Alangan namang sabihin kong hinalikan niya ako walong taon na ang nakalilipas at nu'ng gabing nangyari ang 'di inaasahan? Tapos dahil ako ay isang dakilang tanga, nagpadala sa mga kasinungalingan niya at nagtangka pang tumulong no'ng nabaril siya.

Long story short, that's it.

That would be suicide.

Nakakainis. Siya ang dahilan kung bakit ako pinaghahanap ng buong mundo ngayon pero may parte sakin na nagpapasalamat dahil ginawa niya ang lahat protektahan lang ako. Hindi mababawi ng mga ginawa niya ang lahat nang nawala sa akin.

A Crossroad ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon