[Quin]
"'Nak... Ilang araw ka nang mas tumatamlay sa pagkain, ah," puna ni mommy nang makitang hindi ko na naman natapos ang pagkain sa plato ko. I shook my head a little, my grip on the fork real hard. If only she knows why.
"Magsalita ka naman... May problema ba?" Worry and concern dominated my mother's tone and I felt so guilty. I tried to smile at her but failed.
Nasa hapag na kami at kasalukuyang kumakain ng almusal bago ako pumunta sa trabaho na labis na ring naaapektuhan nang hindi maayos kong pakiramdam... araw-araw.
"Wala, mom. Wala lang po talaga akong gana." Pinilit kong itago ang ngiwi nang sumakit na naman ang aking tiyan. Para iyong tinusok ng matalim na matalim na punyal and it hurts so like hell, damn it!
My stomach's been hurting these past few weeks. Halos araw-araw na lang siyang sumasakit at mas'yado na itong nakaaabala sa ginagawa ko. Umiinom naman ako ng gamot, kahit ano'ng klase para sa sakit ng tiyan pero hindi man lang natatablan.
Dumadagdag pa ang mas lumalalang pananakit ng mga mata ko. And I don't understand.
Pinilit kong lunukin ang isang kutsarang kanin para hindi na mag-alala si mom pero agad ko ring pinagsisihan dahil halos bumaliktad ang tiyan ko nang malapat ang nginuya kong pagkain. I immediately ran towards the sink and vomited so hard I almost felt my head spinning off!
"Jusko! Ano'ng nangyayari sa'yo, 'nak?!" Hindi ko na mas'yadong napansin si mom na hinahagod ang aking likuran dahil sa pagsusuka ko. The taste of the food, although bland, made me feel so bad. So disgusted and so ungrateful! Panicking! Scared!
"Ayos ka lang? Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Sinundan ako ni mom hanggang sa paglipat ko nang kaunti sa gilid. Naghugas muna ako ng mga kamay at nagmumog upang matanggal ang pait ng aking panlasa bago hinarap si mom, ragged breathing.
"I don't know, mom. Baka nagka-indigestion lang..."
"When you haven't eaten so much?" Napatitig ako sa kan'ya at lalo na sa kan'yang mga nanunuring mata. I was about to utter another word and defend my lies when something struck me again. Napaigik ako sa sakit nang parang nilagari ang aking tiyan sa sakit.
Napasapo ako ro'n at halos napaiyak na sa nakamamanhid nitong paghuhukay sa'king kaibutuuran. Damn it, hurts!
"M-Mom..." I called her desperately but I lost every ounce of strength to make it up. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya nang tuluyan akong matumba sa sahig nang parang jell-o sa lambot ang aking mga binti.
I held my stomach tightly—hoping the pain would subside. It never did. Mas lalo lang siyang sumasakit—mas masakit pa sa nararanasan ko nitong mga nakaraang linggo. Hot tears streamed down my eyes as the plea for redemption sounded so loud at the back of my mind.
The excruciating pain enveloped my system like virus, almost sending me screaming in agony.
"'Nak! 'Nak! Ano'ng nangyayari sa'yo?! Tessa! Celso! Tulong!!!" Bumagsak siya sa aking tabi at ikinulong ako sa kan'yang mga bisig. Yumakap ako nang sobrang higpit kay mom, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya. I sobbed in so much pain I'd rather die.
Parang hinihiwa ang tiyan ko sa dalawa sa sobrang sakit!
"M-Mom... My... My stomach hurts," I confessed, sobbing. Wala akong pinagsasabihan sa mga nararamdaman ko dahil ayokong may mag-alala. Every time I don't feel well, I tell no soul but dad but he isn't here.
It became worse. Halos namimilipit na ako sa sakit sa tuwing inaatake ako.
I don't wanna get blind. At mas lalong ayokong magkasakit. Natatakot ako dahil lumalala na ang mga nararamdaman ko. Ayokong pumunta sa doktor pero dahil nalaman na ni mom, I know I'll be sent to the hospital immediately.
BINABASA MO ANG
A Crossroad ✔
RomantizmQuindal Angelo is uptight, too focused on her dreams and selfish preferences. She's the epitome of a woman who won't need a man for the rest of her life. Like, why would she? She hates complications. But, not until the handsome- ahem ahem, the dro...