Chapter 37: Prosperous Day

332 19 0
                                    

[Quin]

"Ahh! Sh*t! Sh*t! Sh*t!" Napabuntong-hininga na lang ako habang marahang hinihilot ang aking sentido kahit panay naman ang pag-agaw niya sa aking kamay.

This is a bad idea. A really bad one.

Raven's once manly voice has been replaced with a scared and shaky one as we sat side by side in the comfy sofa. The lights are off at ang tanging liwanag na narito ay ang mula sa plasma TV tatlong metro ang layo mula sa amin.

"Screw th— ah! F*ck! F—"

"You'll keep quite or I'll kick you out of here?" banta ko sa kan'ya, saka siya nilingon at sinamaan ng tingin. Agad naman siyang tumahimik pero impit pa ring nagmumura. Nakatatawa nga lang dahil imbes na mainis, natutuwa pa ako sa kaduwagan niya.

Shouldnt it be the other way around? He's so gay!

"Bakit ka ba takot na takot diyan? It's just a movie." Kumagat ako sa fries na nakahain sa mangkok saka siya nilingon. He looked at me like he's asking me for help. The begging element was so imminent that at the moment, pity engulfed my system.

"It's just a movie but everything seems so real, Quin. And these scenes are so... So— sh*t!" He instantly jumped when the evil nun's face appeared on the screen. Halos nalagutan ako ng hininga sa higpit ng yakap niya sa'kin habang takot na takot na isinubsob ang mukha sa aking leeg.

His muffled curses flocked on my neck and I instantly shivered. Nakaaakit pa rin ang bading na 'to!

"What's wrong with you?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya saka siya pilit itulak palayo pero hindi naman siya tuminag. Nawala tuloy ang atensiyon ko sa pinanonood at napokus na lang sa matatakutin kong kasama.

Pinigilan kong matawa sa nakikitang desperasiyon kay Raven. I never knew he has this side of him. He doesn't act brave, but he faces challenges head on and a grin on his lips. Ngayon naman, ewan ko na lang.

"What's wrong with that nun?! She's freaking insane!" bulalas niya bago lumingon ulit sa telebisyon na agad rin niyang pinagsisihan. Eksaktong lumabas ang mukha ng demonyong madre at bumalik na naman siya sa paghihisterya.

He is cutely annoying!

"Nothing's wrong with her, Raven. Pelikula lang naman 'yan." I-p-in-ause ko na lang ang pelikula sa TV at baka kung ano pa'ng kahinatnan ng karuwagan nitong kasama ko. Bahagyang dumilim ang buong silid kaya sinubukan kong tumayo at i-on ang ilaw pero hindi niya ako hinayaan.

He wrapped his arms on my waist tightly, assuring me he has no plans of letting go.

Napagdesisyonan naming mag-movie marathon ngayon buong araw bago siya um-attend sa isang reality show bukas at hinayaan niya akong mamili. Of course, I'll settle with something intriguing.

Lawrence recommended this movie kaya ito ang pinanood namin. I don't really have any favorite genre but I can go with horror. I didn't know Raven can't.

"It's so scary, Quin... I, I can't stand horror movies..." Bumitaw siya mula sa pagkakayapos sa'kin at hinilot ang kan'yang noo. Nakabalatay sa kan'yang gwapong mukha ang frustrasiyon. I felt guilty.

"I never watched one when I started having nightmares. I can't sleep everytime I see one. I tried thinking it's just a movie, but I can't survive. I wish I can..." Mas lalo lang tuloy akong nakaramdam ng guilt sa sinabi niya.

I didn't know...

"Bakit 'di mo sinabing hindi ka naman pala sanay manood ng gan'yan? Sana man lang ay napalitan ko." I crossed my arms as I look the other way. This guilt is devouring me again. Nakakainis kasi hindi naman ako nakararamdam ng ganito kapag nagiging insensitive at rude ako sa ibang tao.

A Crossroad ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon