Chapter 9: Familiar

458 40 2
                                    

[Quin]

"He kissed me passionately as his hands found its way to my waist, pulling me closer to him," pagbabasa ko sa manuscript na ipinasa sa'kin. Dumaan na ito sa ibang editor and I checked it before anything else.

Another erotic novel with a gorgeous boss and a naive, young woman.

Nasapo ko na lang ang noo ko habang walang tigil ang paglalaro ng kamay ko sa mouse ng desktop computer. The curser on the screen continuously moves, emphasizing my frustration.

"Why are these lines so common? Hindi ba nila pwedeng maiba? Even just a little polish?" seryoso kong tanong kay Ms. Rizon na tahimik lang na nakaupo sa visitor's chair ng opisina ko. Sa isang linggong pagtatrabaho ko rito, mas lalong dumami ang mga nakikita kong pagkukulang ng mga employee, editorial staff to be exact.

Everyone is lacking! Ang bagal-bagal pang kumilos. Tsk, how come they hired such incompetent employees? 'Yan ang kababagsakan nila, ah. At times like this, even any time— increased performance must always be observed. Andaming mga taong mas mabigat pa ang trabaho pero nakakaya naman nila, and receive lower wages compared to these folks!

This kind of incompetence can drive this PUBLISHING down the ground.

"Ahm, kakausapin ko lang po 'yung nag-edit." Akmang aalis na siya but I immediately stopped her, shaking my head and hand in unison.

"No need, ako na lang ang mag-aayos nito. You can go and take your lunch break," I said as my eyes narrowed on the wall clock.

"Sige po, ma'am, kumain na rin po kayo." Tumango lang ako bilang tugon at hindi na nagsalita pa. I heard the door opened and closed a moment later after I heard her courteously excused herself. Marahan kong pinunasan muna ang eyeglass ko bago itinuon ang buong atensiyon sa trabaho.

Inilabas ko rin ang sandwich na inihanda ko para pananghalian. I ate it as I continued scanning the manuscript. Paminsan-minsan naman ay tinatawag ko si Ms. Rizon kung sakaling may iuutos ako.

"Ma'am, hindi pa ho ba kayo uuwi?" Napalingon ako sa kanya, kunot-noo. I glanced at the wall clock and realization hit me. Alas-diyes na pala ng gabi at hindi ko man lang napansin. I took a quick glance on the glass window and saw busy lights, billboards being lit.

I almost raised a brow in response to my unawareness of the time.

Napabuntong-hininga hininga  ako bago i-s-in-ave ang soft copy ng manuscript na kasalukuyan kong sinusubukang ayusin. Matapos i-shut down ang PC ay iniligpit ko na ang mga gamit ko. From my pens, notebooks, pads, sticky notes, wallet and phone.

"Kung mag-o-overtime ka, be sure to lock the office," imporma ko sa kanya bago lumabas ng kompanya. Siya ang naatasan kong magsarado ng department namin dahil may mga nag-o-overtime pa rin at most of the time, siya 'yun kasama 'yung isa pang employee, Gretchen? Well, she's better than anyone else here too. Not that I'm being harsh but maybe.

Hindi rin naman ako umaabot nang sobrang tagal sa office kaya hindi na ako nag-abala. Paniguradong nag-aalala na si mom ngayon na nakasanayan na akong hintayin mula sa trabaho.

Kauuwi lang niya kahapon, at no'ng wala pa akong trabaho, sanay akong umuwi nang maaga dahil na rin sa kagustuhan nina Tita. But now, it's different. I'm a working woman... I guess it's only natural to be late in going home. I called my mom as soon as I reached the parking lot at natunton ang kotse ko.

"Nak, ba't ang tagal mo? Nasa trabaho ka pa rin ba? 'Di ako nakatawag kasi expired na 'yung subscription ko," bungad niya agad sa'kin nang masagot niya ang tawag. I continued walking towards my car, my three inch heel making sound with the contact to the cemented ground.

A Crossroad ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon