[Quin]
"Oops! Don't you dare!" Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok gamit ang mga daliri saka siya nilingon na naglalakad na pala nang mabilis palapit sa akin. I smiled faintly in response.
"It's fine. Tanggap ko na," I said softly, placing both of my hands together in my lap and the familiar design of a hospital gown welcomed me. Bahagya pa akong napanguso nang makitang may iilang hibla na naman ng buhok ang naglaglagan.
She looked at me for a couple of seconds before taking a deep breath.
"But still... Huwag mo nang mas'yadong ubusin 'yang nanlalagas mong buhok. You know I really enjoy making them up. I'm so envious because you still got your hair. Unlike me, the bald one." Ngumuso pa siya at pabirong sinuklay ang kan'yang ulong walang kasing kinis.
"Don't be so melodramatic. Maganda ka pa rin kahit na kalbo ka na," I assured her. Napakunot-noo tuloy ako nang naiiyak niya akong niyakap.
Napadaing pa ako nang masagi niya ang tahi sa aking tagiliran na nakabendahe pa. It was opened yesterday for the third time already. I have undergone some surgeries for the past months and this is the latest.
"Sorry," she muttered apologetically at bahagyang bumitaw. Napairap na lang ako nang bahagya.
"Sadist," I accused her. She just made a face before bidding goodbye. Nasa kabilang kwarto lang siya at kailangan na niyang bumalik para magpa-chemo ulit.
Maine's suffering from leukemia for the past three years and up until now. She's receiving treatments almost every week and her family is hoping for the best.
Kahit ako naman. Inaasam kong gumaling na siya.
She deserves it. She's young and she needs to explore, something she was never given a chance to do because of her disease. Kahit isa lang sa'ming dalawa ang makaligtas, kahit siya na lang.
Tapos na ang panahon ko. Kontento na ako sa mga natutunan ko kaya hindi na ako mas'yadong nahihirapan, natitiis ko na ang inggit na nararamdaman ko lalo na kapag nakikita ko ang mga taong may normal na buhay.
Malusog at... walang sakit.
Most people wanted to take everything in with life. Once we get to experience living, we want to make the best out of it. And I think I did.
Napatingin ako sa salamin. Ayaw ng aking pamilya na maglagay ng salamin sa kwarto pero nagpumilit ako. This way, I can easily monitor the changes in my body. I know. Terribly scary and alarming but I can't stand any day without seeing how I changed so much... physically and mentally.
Mabilis na nanlalagas ang aking mga buhok at kahit sino ang makikita sa'kin ay iisiping isa akong buhay na patay.
Funny pero nagtagal ako ng anim na buwan sa loob ng isang high-facility hospital dito sa Los Angeles. I'm always monitored and given treatment kahit wala namang kasiguraduhan. It's fine. Afterall, lumalaban naman ako.
I gained some improvements, actually. Medyo nakalalakad na ako'ng mag-isa at may lakas na rin ang aking mga kamay. Pero hanggang do'n lang 'yon dahil kapalit ng pagkabuhay ko hanggang ngayon ay ang sakit, physically and emotionally too.
Treatments were never easy. Living will never be easy.
My eyes survived, and it's a miracle I would forever thank for.
Nakakakita pa rin ako kahit madalas ay sobrang labo na lalo na sa aking kanang mata. Doctors said it was more traumatized, and that it is more likely to be blinded than the left. Tanggap ko na rin. Nagpapasalamat ako at binigyan pa rin ako ng pagkakataong makakita pa hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
A Crossroad ✔
RomanceQuindal Angelo is uptight, too focused on her dreams and selfish preferences. She's the epitome of a woman who won't need a man for the rest of her life. Like, why would she? She hates complications. But, not until the handsome- ahem ahem, the dro...