Chapter 1

1.1K 28 1
                                    

Everyday With You
Chapter 1

"Iinom lang tayo wala namang masama doon diba?" tanong sa akin ni Kyla, heto nanaman siya hindi nanaman natitigil ang pangungulit niya sa akin. Parang sa isang buwan hindi niya mapigilan na pumunta sa mga party nayan, kulang nalang ilagay na sa bunganga niya lahat ng bote ng alak.

"Hindi, may gagawin pa ako. May debate pa tayo bukas kay Mrs. Flores remember?" hindi ko talaga kakayanin ang pag-inom, mababa lang ang alcohol tolerance ko di tulad ng kay Kyla na naka-ilang bote na ng alak.

"Tsk, baka nakakalimutan mo sa Thursday pa yang debate na yan" sabi niya habang naka-cross arms. Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain, puno ng mga estudyante ang lahat cafeteria, puro ingay. Nilapag ko naman ang kutsara at tinidor sa table at napasinghap nalang kay Kyla.

"Kyla di ba puwedeng hindi ka uminom ng isang buwan?" naiinis na tanong ko sa kanya, gawin nalang niyang bahay yung bar na yun para di na siya mahirapan.

"Liezel naman e' iinom lang naman tayo, wala namang mangyayareng masama e" sabi ni Kyla habang naka-nguso, iipitin ko na yung ngusong yan eh.

"Hindi, hindi mo masasabang walang masamang mangyayare. Hindi mo naman nabasa ang future diba?" nakataas kong kilay na tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pag-taas ng gilid ng labi niya na ibigsabihin ay naiinis ko na siya. What? Alam naman niyang mababa ang alcohol tolerance ko tapos iinom pa kami.

"Akin na ang phone" pag-utos niya sa akin na dahilan para kumunot ang noo, kahit may pag-aalinlangan ay unti-unti kong binigay sa kanya ang phone ko. Mabilis niya namang kinalikot ito at pinunta sa tenga ang phone.

"Hello, tito?"

Oh shit! Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, argh! you Kyla! Tinawagan niya si dad at alam kong malakas si Kyla sa kanya "Hi tito! Ipag-papaalam ko lang po sana si Liezel may party po kasi kaming pupuntahan, party po ng kaklase namin"

Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa sinabi niya, ang gusto ko lang is mag-pahinga ng tahimik tapos biglang mapupunta ako sa bar?

"Ah sige po tito, thank you!" halata palang sa tono ng boses na natalo ako ni Kyla, binaba niya ang phone at nakangiting nakatingin sa akin.

"Tsk, next time you will not use my dad just to go at the bar" seryoso kong sabi sa kanya na dahilan para matawa siya. May nasabi ba akong mali.

"Nakakatawa ka talaga my friend, alam naman ni tito kung anong party ang pupuntahan natin. Alam niyang may inuman kaya chill lang"

Chill her ass, hindi ko inaakala na mahuhulog si dad doon, kapag talaga may pupuntahan si Kyla at gusto niya akong isama hindi ko talaga ipapahiram sa kanya ang phone ko.

"Ano game? Don't say no cause I got the permission to your dad" sabi ni Kyla habang nakangisi, tinarayan ko nalang ito at napasandal sa sandalan ng upuan.

"Fine, wala naman akong choice diba" natatalong sabi ko, pakiramdam ko napagod na ako dahil sa ginawa namin ni Kyla. Nag-tatalo kung sasama ba ako o hindi.

"I knew, tataob ka rin sa huli" she said while smiling, konti nalang at baka masapok ko na ulo nito.

"Fuck you Kyla"

"I'm beautiful? Oh thank you!"

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa siya pag-titiisan, kinuha ko nalang ang tray ng pagkain at tumayo na.

Sinundan naman ako ni Kyla para isauli ang tray, ganon parin ang pila sa canteen mahaba as alyways naman "Liezel wait up"

Tsk, ang lapit lapit niya lang sakin tapos wait up. Iba talaga utak ni Kyla, hindi ko ba alam kung may half siyang alien o kung ano. Iba talaga siya sa mga taong nakaka-salamuha ko.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon