Everyday With You
Chapter 44"Baby,behave okay. Huwag mong papahirapan si ate Cessie" ang sabi ko kay Antheia na ngayon ay gising na at hawak-hawak ang teddy bear niyang si Polly.Luluwas akong papuntang Maynila dahil kailangan kong pumunta sa kasal ni Kyla, hindi naman ako puwedeng wala sa kasal ng kaibigan ko. It's her dream and best day.
"Yes, mommy" ang sabi naman niya sa akin habang naka-ngiti, dalawang araw lang naman ako sa Maynila at pag-katapos nun ay babalik rin ako kaagad. Bawal rin naman akong mawala ng matagal dahil baka mahirapan sila Mang Almario sa pamamalakad ng plantation.
"Kapag may kailangan ka tawagin mo si ate Cessie, okay" kinamot naman ni Antheia ang kanyang ulo na para bang rinding-rindi na sa mga paalala ko.
"Mommy I'm okay na po, I'm a big girl na" ang sabi niya sa akin na dahilan para mapa-iling nalang at ngumiti. Hindi pa naman siya big girl tsk, ayoko pa namang lumaki si Antheia.
Sinuklay ko naman ang buhok niya gamit ang kamay ko, kahit dalawang araw lang akong mawawala ay pakiramdam ko ay gusto ko nalang hindi umalis pero kasal pala ni Kyla.
Hindi ko na isasama si Antheia dahil mahabang byahe ang gagawin namin atsaka hindi pa ako handang ipahayag sa publiko na may anak na ako. Matagal rin akong nawala kaya paniguradong pag-pyepyestahan nila ang pag-babalik ko.
Napatingin naman ako sa likod ni Antheia, nilagay ni Daquis ang mga bag na gagamitin sa lapag at tumingin sa akin. Sasama sa akin si Daquis, ang sabi ko nga sa kanya ay huwag nalang pero nag-pumilit siya. Ano naman kayang mangyayare sa akin?
Nag-aalala tuloy ako dahil mag-isa lang si Antheia, kahit kasama niya si Cessie ay hahanap-hanapin niya rin kami. Kung puwedeng maiwan nalang ako dito ay gagawin ko na pero kasal ni Kyla at ito namang si Daquis ay gusto talaga sumama.
"Hindi ka ba talaga maiiwan dito?" ang tanong ko kay Daquis, hindi parin ako sang-ayon na sasama siya sa akin. Mag-tataka talaga si mama kung bakit mag-kasama kami ni Daquis, alam niyang pupunta ako ng Maynila at hinahanda niya na ang kwarto ko para doon manirahan muna.
"We already talk about this, right?" sabi niya sa akin na dahilan para suminghap ako, ano bang puwede kong gawin para hindi na siya sumama sa akin?
"Daquis, walang makakasama si Antheia dito" pag-papaalala ko sa kanya, ayoko namang maiwan si Antheia. Baka mamaya mabalitaan ko nalang na umiiyak na ito dahil sa gusto niya na kaming umuwi.
"Mommy ayos lang po, spend time with daddy. Mag-lalaro nalang po kami ni ate Cessie tapos nung mga friends ko" singit ni Antheia na dahilan para mapa-ngiti ako, magiging ayos lang ba talaga sa kanya?
"Narinig mo na ang sinabi niya, so sasama ako" nahanda niya na ang gamit niya at wala na siguro akong magagawa dahil nag-pupumilit na talaga siya.
"Daddy, please take care of mommy ha" bilin ni Antheia na dahilan para awkward akong tumingin kay Daquis. Suminghap ako dahil sa tingin ni Daquis, hindi naman kami mag-kasama kapag nasa Maynila na kami.
"And also you mommy, please take care of daddy"
Ngumiti nalang ako bilang sagot kay Antheia, ayokong mag-salita dahil sa hindi ko naman makakasama ang daddy niya sa isang bahay. May kanya siyang buhay at ako rin naman, wala na kaming relasyon para mag-sama.
"Liezel, handa na yung kotse!" narinig kong sigaw ni Cessie na dahilan para isukbit ko na ang bag ko sa braso ko. Hinawakan ko naman ang pisngi ni Antheia at ngumiti, sana maging okay ka sa dalawang araw na wala ako sa piling mo.
"Bye baby" ang sabi ko dito at hinalikan ang pisngi niya, lumapit naman si Antheia kay Daquis at hinalikan rin ito sa pisngi.
"Bye daddy, ingat kayo ni mommy" masiglang sabi ni Antheia
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...