Everyday With You
Chapter 49
Ilang araw nga ang nakalipas na nandito si Daquis na dahilan para mas lalo kaming mapalapit muli sa isa't-isa, we said that we will try our best to hide everything. May sarili na akong pag-iisip at ngayon na may pamilya na ako dapat na mas isipin ko iyon kaysa sa nangyare noon.
Nakikita ko namang masaya si Antheia kaya iyon nalang din ang gagawin ko, hindi naman sa pinipilit ko ang sarili ko pero mas inuuna ko na kasi ngayon ang importante.
"Cessie, ayos na ba itong idedeliver sa Manynila?" tanong ko kay Cessie at ngayon ay nasa Gazebo kami para icheck kung kumpleto na ba yung idedeliver namin sa Manila.
Halos lahat ng investors ko ay galing sa Maynila, nagulat nga ako na sa dami-dami ng plantation ay kami ay pinili nila ang kaya lang sunod-sunod naman sila kumuha ng bulaklak na dahilan para lagi akong nasa opisina maging dito sa plantation.
As I said kay Antheia ay busy nga ako this week, minsan naman ay napag-hahanda ko siya ng almusal ang kaso hindi na ako nakakapag-laro dahil nga sa sunod-sunod ang delivery.Pagkatapos ng almusal ay didiretso na kaagad ako sa plantation.
"Yes, para kay Mr.Mendoza, kay Ms.Lee and also para kay Callie" sabi niya habang sunod-sunod pang tinuturo ang mga bulaklak na dapat kung kanino ideliver. Tumango naman ako at chineck ito sa notebook ko.
"Nga pala yung mga buto na kailangan natin dumating na" bago nanamang bulaklak ang aalagaan namin at sana maging maganda ang tubo nito.
Nang maicheck ko na ang lahat pumasok naman ako sa bahay at doon bumungad sa akin si Daquis na nag-luluto. Ngumiti naman ako habang pinag-mamasdan ito, matagal ko na siyang hindi nakikitang mag-luto at parang bumalik ang alaalang college palang kami.
Binaba ko naman ang notebook ko sa table at unti-unti itong nilapitan, sumandal naman ako sa counter at nag-cross arms "What are you cooking mister?" tanong ko dito na dahilan para mapunta ang tingin niya sa akin.
"I'm making sandwiches for the kids" sabi niya sa akin na dahilan para kumunot ang noo ko.
"Asaan ba si Antheia, saan si nag-lalaro?" tanong ko dito, bigla ko namang narinig ang mga sigawan na dahilan para tumingin ako sa bintana sa bakuran, mukhang doon sila nag-lalaro dahil sa ginagamit ang Gazebo.
Nakita ko naman na nag-lagay siya ng itlog sa pan parang gawing scrambled egg, nag-tungo naman ako sa cabinet at kumuha ng pitsel para gumawa ng juice.
"Nga pala, kamusta sila tita? Alam na ba nila ang tungkol kay Antheia?" tanong ko kay Daquis habang nag-titimpla ng juice.
"They are fine and alam na nila na may apo na sila" ang sabi ni Daquis na dahilan para suminghap, hindi pa nila nakikita si Antheia dahil sa tinago ko ito.
"I should apologize to them for hiding Antheia" I said, tinago ko si Antheia ng limang taon and I'm sorry because hindi ko man lang pinaalam sa kanila dahil sa sakit na naramdaman ko.
"You don't have to, alam ko naman kung bakit mo ginawa iyon at naiintindihan naman nila" sabi ni Daquis na dahilan para pilit nalang akong ngumiti.
"E si Riona at Samuel?" wala na akong balita sa mga kapatid niya kahit nung pumunta kami ng Maynila.
"Riona is working at si Samuel naman graduating na" mabuti naman kung ganon, nakaka-miss tuloy si Riona naaalala ko na lagi ko siyang kakwentuhan, siguro magagawa namin iyon kapag bumisita kami ng Maynila.
"Mahihirapan ka ba kapag dito ka nanirahan, alam ko namang mas sanay ka sa Maynila"
Inaalala ko lang si Daquis dahil baka mamaya ay maburyo lang siya dito at dahil may kompanya dapat siyang asikasuhin sa Maynila. Kahit naman hindi siya naging lawyer ay may chance naman siya ngayon.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
