Everyday With You
Chapter 37"So aalis talaga si Daquis?" ang tanong sa akin ni Kyla, kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop at hindi mag-tatagal ay aalis rin naman ako para tulungan si Daquis sa pag-iimpake. Mabilis na tumakbo ang oras, na-spend ko naman ang dalawang buwan na kasama ko siya.
Ang sabi niya nga sa akin ay ayaw niyang umalis pero sinabi ko sa kanya na sayang rin iyon dahil pangarap niya ang maging laywer. Isang taon lang naman atsaka gagawin naman iyon para sa sarili niya.
"Oo, ayos lang naman sa akin kasi isang taon lang naman" ang sabi ko at ininom ang kapeng inorder ko.
Nanliit naman ang mga mata ni Kyla sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko "Gusto mo ba talaga, e' kahit isang araw nga lang ayaw sayo malayo ni Daquis e" ang sabi niya na dahilan para mapa-ngisi ako.
I don't want to be unfair dahil hindi naman sa akin umiikot ang mundo ni Daquis, may mga bagay rin naman dapat siyang gawin para sa sarili niya kaya susuportahan ko nalang siya. Iyon naman diba dapat ang gawin ko bilang isang girlfriend.
"Gagawin niya naman iyon para sa sarili niya and I don't want to be unfair"
Sa isip ko ay may nag-sasabing na ayaw ko siyang umalis pero sayang ang chance na binigay sa kanya ng daddy niya. Alam ko namang ginagawa niya iyon for his son to be a good lawyer, naiintindihan ko naman iyon.
"Tsk, isang taon. Medyo matagal na kayo tapos mahihiwalay ka pa sa kanya ng isang taon"
"Uso naman ang video call Kyla, hindi mo ba alam 'yun?" nakangising sabi ko na dahilan para mapa-iling nalang si Kyla.
"Kamusta naman kayo ni Gio?" ang tanong ko sa kanya, ngayon lang kami nag-kita ni Kyla dahil kahit kakatapos lang namin sa college ay agad kaming sumabak sa mga gusto naming career.
"Ayos naman kami, going strong" ang sabi niya na hindi mapigilan ang ngiti na dahilan para mahawa ako. I'm happy na masaya siya sa piling ni Gio, I mean noon kasi ay hindi sumusugal si Kyla sa kung anumang relasyon pero naisip niya na sayang.
"Tss, ibang klase karin. Ang bilis mong nabingwit si Gio e' parang sinabi mo sa akin na sa landi ka lang papatol" tinaas niya naman ang kamay niya habang naka-ngiti.
"Malakas lang talaga tama ko kay Gio" sabi niya na dahilan para matawa ako, parang proud na proud pa siya na malakas ang tama niya kay Gio noon e' halos magalit siya sa akin dahil minsang kong nakasama si Gio.
"E ikaw nga e' scam ka! Ang sabi mo hindi ka mahuhulog sa yelong iyon" pag-bawi niya sa akin na dahilan para malakas akong matawa, totoo naman ang sinabi niya. Unexpected nalang ang nangyare, magugustuhan ko pala si Daquis.
"Well, nahulog na ako"
"E kamusta naman yung dalawa?" tanong niya sa akin na dahilan para kumunot ang noo ko, sinong dalawa ang tinutukoy niya. Nakita niya siguro ang kunot sa noo ko na dahilan para sabihin niya sa akin ng tinutukoy niya.
"Si Jao at East, kamusta na sila?"
Minsan ko nalang rin sila makita kaya malay ko ba kung anong ginagawa nila, pero ang alam ko ay nasa province si East para makapag-bakasyon muna.
"Kung gusto mong kamustahin si East, bakit mo pa tinatanong si Jao?" ang tanong ko na dahilan para tumaas ang kilay niya dahil sa pag-tataka, noon pa talaga ako walang alam sa kanilang dalawa.
"Parang ang sama ko naman kung ang kakamustahin ko lang ay si East" pag-babago niya habang naka-ngiti.
"Kyla may tanong ako" ang sabi ko sa kanya na dahilan para mawala ang ngiti niya. Siguro naman ay sasabihin niya sa akin kung anong nangyare, kung noon ay hinayaan ko pero ngayon gusto kong malaman.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
Roman d'amourAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...