Chapter 22

204 12 0
                                    

Everyday With You
Chapter 22

This past few days ay maraming ginawa ang mga students cause of the requirements neeeded pero sa wakas ay dumating narin ang panahon na makakapag-bonding kami dahil sa fieldtrip na namin.

Sa wakas ay makakapag-pahinga narin ako, it's Friday at ngayon gaganapin ang fieldtrip. Ilang beses narin naman ako nakasama sa mga fieldtrip pero ibang experience nanaman ang mararanasan ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at hinahanda ang mga gamit ko para sa fieldtrip, umagang-umaga palang ay bumangon na ako para naman sabay na kami ni Kyla pumunta sa school, maya't maya lang ay darating na siya.

"Anak, ready na ba yung gamit mo?" bumungad sa mama sa pinto, lumapit ito sa akin para tignan ang mga gamit na dadalhin ko. Dalawang araw kami sa resort na pupuntahan namin, parang team building narin siguro ang gagawin namin.

"Yes ma" I said at sinara ang bag na dadalhin ko para sa fieldtrip.

"Oh sige bumaba ka na para naman makakain ka na ng breakfast" dahil maaga akong nagising ay naramdaman ko narin ang tumutunog kong tiyan, siguro nga kailangan ko ng kumain.

Bumaba na ako kasama si mama at bumungad sa akin ang simpleng handa niya para sa akin, umupo naman ako at nag-simula ng mag-sandok.

"Tawagan mo ako kapag may nangyare ha" dahil sa sinabi ni mama ay napa-ngiti ako, alam kong nag-iisang anak niya lang ako at alam ko naman kung grabe siya mag-alala dahil sa ako lang ang anak na meron siya, sayang nga at wala akong kapatid.

"Ma, walang mangyayare" I said para naman mawala sa isip niya ang pag-aalala dahil sa dalawang araw akong mawawala sa tabi niya.

"Pero tawagan mo parin ako, kakamustahin kita" naka-nguso niyang sabi na dahilan para matawa nalang ako, para kasi siyang bata na walang magawa dahil hindi ito makasama.

"Nga pala Liezel, kamusta na kayo ni Daquis?"

Halos mapa-tigil ako sa pag-kain at parang mapapa-ubo na ako dahil sa biglaang tanong ni mama, bakit naman niya biglang isisingit ang lalaking iyon dito?

"What do you mean? At bakit nanaman si Daquis?" medyo nakaka-intriga na nababanggit niya ang lalaking iyon, ang hindi alam ni mama ay may girlfriend na pala ito.

"Diba nasabi mo na siya ang nag-hatid sayo dito nung lasing ka, sabi ni manang Esther tulog na tulog ka habang buhat buhat ka niya"

Nasapo ko ang noo ko at hinilot ito dahil sa umagang-umaga palang ay nananakit na ito dahil sa sinasabi ni mama, bakit ba sa isang araw ay hindi mawawala ang pangalan na Daquis?

"So what ma?" walang gana kong sabi but as I look at her ay nakita ko ang pag-ngisi niya, anong problema ni mama? Hindi niya naman alam ang buong storya, hindi niya alam na muntikan ko ng maka-one night stand ang lalaking yun.

"Hindi ba nakakakilig anak? Hinatid ka pa niya dito dahil sa lasing na lasing ka, dapat lang na mag-papansin ka sa kanya"

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni mama, ano daw? Mag-papansin kay Daquis? At anong nakakakilig na hinatid niya ako dito dahil sa lasing ako?

"Ma, sumasakit ang ulo ko sayo umagang-umaga"

"Don't miss the chance Liezel, sayang naman ang gandang binigay ko sayo kung hindi mo naman gagamitin kay Daquis"

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon