Chapter 25

229 10 0
                                        

Everyday With You
Chapter 25

"Oh bakit ka naiyak?!" nakita ako ni Kyla na takip-takip ang mukha ko at halos magulo na ang buhok ko dahil sa pag-iyak.

Nag-aalala itong tumingin sa akin at kumulo ang dugo ko ng makita ang dalawang mag-pinsan sa likod niya. Inalis ko ang pag-kakatakip sa mukha ko at masama silang tinignan.

"Kayo.." dinuro ko si Jao at si East na halatang sumabog na ako dahil sa galit, bakit ko ba kasi ito nararanasan?! Wala naman akong ginawang mali para mangyare sakin to.

Matatalim ang tingin ko sa kanila na para bang tumatagos na ito, tumulo muli ang luhang naipon sa mata ko dahil sa kagagawan ni Daquis. The man is an asshole! Wala talagang pakiramdam!

"Huwag na huwag niyo na kaming lalapitan, huwag niyo na kami guluhin" halos mag-pigil ako ng boses ko sa pag-lakas nito marahil nasa corridor kami at baka may makarinig sa aming estudyante.

"What happened? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Jao sa akin na dahilan para mas lalo akong maluha. Bakit ko ba iniiyikan ang sinabi ni Daquis kung alam ko namang hindi totoo? But the fact na parang ganon pala ang tingin sa akin, isa na iyon para masaktan ako.

"Wag na kayong lalapit samin mas lalo lang akong magagalit kapag lumapit pa kayo" madiin kong sabi at naramdaman ko ang pag-hawak ni Kyla sa braso ko.

"Liezel ano bang nangyare? Bakit ka ba nagagalit sa kanila?" halos walang-alam na si Kyla.

"Pareho kayong nawala ni Daquis--"

"Then tanungin mo yung pinsan mong walang pakiramdam tutal kaya niya namang sabihin iyon dahil nang-insulto siya" pag-putol ko kay East na dahilan para mag-taka silang lahat.

Mariin ko nalang pinikit ang mga mata ko dahil sa itsura ko nung nakikipag-usap ako kay Daquis. Ang tanga ko, ang tanga tanga ko dahil akala ko mababago pa ang tingin ko sa kanya pero mas lalo pala iyong lumala.

Mabilis akong dumating sa tapat ng kwarto naman, padabog kong sinara ang pinto at dali-daling umupo sa gilid upang umiyak.

Muli kong tinakpan ang mukha ko at hindi natigil ang mga luhang nanggaling sa sakit. Hindi niya namang kailangan sabihin yun, hindi naman iyon ang gusto kong sabihin pero isang walang kwenta lang pala ang pag-sasabihan ko.

How come na isang walang pakiramdam ang muntikan ko ng maka-one night stand? I'm ashamed dahil sa nagawa ko but I'm hurt because of what he said.

I'm not desperate for sex, hindi ako ganong klaseng tao pero kung tignan niya ako ay parang ako lang ang gumawa ng lahat. Napilitan lang siya dahil nagawa niya na iyon sa ibang babae and ang masasabi ko lang ay sobrang tanga ko.

Biglang bumukas ang pinto at alam kong presensya iyon ni Kyla "Oh my god! Girl, ano bang nangyare?" tanong niya sa akin na dahilan para mas lalo akong mapa-iyak. 

Kapag sinabi ko naman ay mas lalo lang ako masasaktan pero ano bang magagawa ko, kagagawan ko to kaya ito na ang kapalit pero pesteng Daquis yan.

"I was wrong Kyla, hindi ko naman inaakala na ganon pala ang sasabihin ni Daquis yun" patuloy ang pag-iyak ko at unti-unting sumisikip ang dibdib ko.

"Omg! Shh, shh...mas mabuti sigurong bukas nalang natin pag-usapan" nag-aalalang sabi ni Kyla at hinawi ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Pinalipas ko nalang ito at umiiyak na natulog nalang.

Lumipas ang gabi ay naramdaman ko ang mabigat na ulap sa ulo ko na dahilan para hindi ko magawang imulat ang mata ko. Napaka-bigat ng pakiramdam ko at nanlalamig ako.

Tumikhim ako at mas lalong binalot ang sarili ko sa kumot, mamaya ay mangyayare ang team building pero parang hindi ako makakasali dahil sa masama ang pakiramdam ko.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon