Everyday With You
Chapter 23
"Nakakainis talaga yung East na yan! Kitang nananahimik ako eh!" hanggang ngayon ay inis na inis parin si Kyla dahil sa ginawang pag-pitik ni East sa noo niya. Nananahimik si Kyla pero nagulat nalang ako ng biglang pitikin ni East ang noo nito.
"Namumula parin yung noo mo" sabi ko sa kanya, parang isang stick ang tumama kay Kyla dahil sa pag-kakapula. Grabe, kahit naman sa tunog palang ay halatang masakit na.
"Fuck! Ganito nalang ba talaga lagi ang gagawin niya sakin?!" galit na sabi ni Kyla.
Samantala, nasa bus na kami at halos inaayos na lahat ng profs ang mga estudyante. Syempre, katabi ko si Kyla dahil sa kanya lang naman ako komprotable.
"Oh kayong apat pumasok na kayo" sabi ng prof, halos napupuno narin ang bus at nasa bandang gitna kami ni Kyla naka-upo. Ilang minuto nalang ay aalis na kami para mag-punta sa resort.
"Shit talaga!" rinig ko pang mura ni Kyla habang hawak-hawak ang nop niya, hindi ko maiwasan ang tawanan siya kahit na kanino ay nagalit rin ako sa ginawa ni East pero ngayon na nakikita ko siya ay parang stick ang pumitik sa kanya.
"Nakikita kita Liezel, huwag mo akong tawanan" seryosong sabi ni Kyla habang inaabala ang mapula niyang noo.
Sinuksok ko naman ang earphones sa tenga ko para naman sa pag-dating namin sa resort ay marami pa akong magawa, kaya mas mabuting mag-pahinga nalang.
"Oh dito kayo?"
Bago ko pa mapindot ang playlist sa phone ko ay napa-tigil ako dahil sa nag-salita, unti-unting umangat ang ulo ko at halos malaglag ang phone ko ng makita ko si Jaochenn.
Fuck! Pati ba naman sa bus kasama ko sila? Ang akala ko ba yung mga kaklase ko lang ang nandito pero bakit nandito siya?
"Hi Liezel!" bati sa akin ni East na nasa likod ni Jaochenn at kumakaway, alam ko naman kung sino ang kasunod at tama nga ang hinala ko dahil nakita ko si Daquis na naka-yuko.
Pero ang mas nakaka-gulat ay nung makita ko si Keziah sa likod nito, so expected na mag-katabi sila dahil mag-jowa sila. Awkward naman akong tumango kay Jaochenn at halos ibigay ang isang pekeng ngiti.
"Tangina talaga, pati dito" rinig kong bulong ni Kyla na dahilan para kumunot ang noo ni Jaochenn at East.
Totoo, kahit saan talaga ay makakasama ko ang mag-pipinsang to. Hindi ba sila nag-sasawa or kaya nag-tataka man lang?
"Hoy, kayong mga mag-pipinsan umupo na kayo!" sigaw ng prof na dahilan para umarangkada na si Jaochenn at umupo sa kabilang upuan kasama si East.
Mas lalo akong nagulat dahil katapat lang namin sila, sa lahat ba naman ng makaka-tapat ko ay sila pa? Lord! Bakit naman ho ganito? Kahit saan ba talaga ay makakasama ko sila?
Nilagpasan ako ni Daquis at doon nag-tama ang tingin naman ni Keziah "Hello.." she said to me while smiling, tinanguan ko nalang ito at agad iniwas ang tingin ko.
Sa likod ni Jaochenn si Keziah at sa likod ni East ay si Daquis. Shit! Double kill ba to? Pero bakit parang apektado naman ako? Pero kasi hindi ako komportable kahit rin naman si Kyla dahil parang halos sira na talaga ang araw niya.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
