Everyday With You
Chapter 46
"You look good Liezel" ang sabi sa akin ni mama habang pinag-mamasdan ang katawan ko. Suminghap naman ako patuloy na chini-check ang sarili ko sa salamin, I'm wearing a white sheath dress with a gold belt and a white peep toe shoes.
Ito ang binili sa akin ni mama, ang sabi ko nga sa kanya ay dapat sa closet nalang ako kumuha dahil sa marami pa naman akong hindi nasusuot doon pero hindi siya pumayag dahil maliit na daw iyon sa akin. Tss, tumaba ba ako?
Ngayon na ang kasal ni Kyla and I'm so excited dahil finally ikakasal na ang kaibigan ko sa taong mahal niya. Ang akala ko pa naman tatanda iyong dalaga dahil sa hindi siya handa sa commitment pero heto siya ngayon.
Sa church gaganapin ang kasal, ang sabi nga ng mama ni Kyla ay sa beach nalang sila ikasal pero ang gusto ni Kyla ay simple lang. Gusto niya sa simbahan and maganda naman ang idea niya.
"Ayos lang ba talaga?" ang tanong ko at hindi maalis ang tingin ko sa salamin. Inayos namana ni mama ang buhok ko na medyo kinulot at hanggang balikat ko parin ito.
"Oo anak, ikaw pa ba nag-mana ka sa akin" usal nito na dahilan para mapa-ngiti ako, gagawin niya talaga ang lahat para i-cheer up ako.
"Oh sige na, umalis ka na at baka mahuli ka" sabi niya sa akin, kinuha ko naman ang black purse ko at lumabas na ng kwarto ko.
"Ma,bukas na ho ang alis ko. Baka kasi may problema sa plantation atsaka kailangan ko naring alagaan si Antheia" sabi ko habang pababa sa hagdan na kasunod naman si mama.
"Alam ko naman na busy karing tao kahit na nasa probinsya ka naka-tira, ikamusta mo nalang ako sa apo ko ha" ang sabi sa akin ni mama na dahilan para mapa-ngiti ako, sa Pasko talaga ay dadalhin ko si Antheia para naman maging masaya si mama.
After the wedding and reception ay mag-hahanda na ako para umalis na dito sa Maynila, hindi ko alam kung anong oras matatapos ang reception pero sana maaga ito dahil para hindi na ako mahirapan umuwi.
Sumakay naman ako sa kotse ko at kailangan kong tawagan si Cessie para kamustahin ito, tinawagan ko naman ito at sinimulang paandarin ang kotse.
Ilang ring ang kinailangan para sumagot ito "Hello, Cessie" bungad ko sa tawag
"Oh Liezel, uuwi ka na diba" ang sabi sa akin ni Cessie
"Oo, anong ginagawa ni Antheia?" tanong ko dito
"Ayun, umagang-umaga nag-lalaro kasama yung mga friends niya" tumango naman ako dahil sa sinabi nito, mukha namang naaalagaan niya si Antheia ng maayos kaya malaki talaga ang tiwala ko sa kanya.
"E yung plantation?"
"Ayos naman, maraming bumibisita sa atin atsaka dineliver na yung mga bulaklak diyan sa Maynila"
"Mabuti naman kung ganon, pasabi nalang kay Antheia na pauwi na ako ngayon"
"E ikaw, kamusta ka diyan kasama nung asawa mo?" kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na hindi ko asawa si Daquis.
"Ayos naman kami, dito ako nakatira kay mama"
"Ngi! Bakit hindi kayo nasa iisang bahay?" suminghap naman ako, bakit naman kami titira sa isang bahay?
"May sari-sarili kaming bahay Cessie at hindi ako papayag"
Nung nakita ko na ang simbahan ay agad kong pinasok ang kotse ko sa parking lot nito.
Bumaba naman ako at bumungad sa akin ang maraming tao sa harap ng simbahan, mukhang ako lang ang mag-isa dito.
Palapit na sana ako sa crowd ng biglang huminto ang isang kotse sa gilid ko na dahilan para kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
