Everyday With You
Chapter 41
I know this day will happen, alam kong darating ang araw na mag-tatama ng landas namin at akala ko handa na ako pero hindi pa pala. Ngayon na nasa harapan ko siya ay gusto ko siyang saktan kung gaano kabigat ang hindi niya pag-balik pero hindi ko magawa.
Ayokong makinig sa paliwanag nito dahil babalik nanaman ang bigat na naramdaman ko, ayokong mawala nanaman ako sa sarili ko dahil sa lalaking to. Ang alam ko sa sarili ko bumitaw na ako nung dalawang taon.
And now he's in front of me na para bang kasalanan ko na tinago ko ang anak ko, I just want to protect my daughter dahil ayoko siyang masaktan.
Ayos lang na masaktan ako pero huwag si Antheia, ayokong maramdaman niya ang sakit na dinanas ko sa tatay niya dahil masyado ba pa itong bata.
"Ayoko ng pakinggan ang explanation mo Daquis, if you want to be a father of Antheia then go. Hindi kita pipigilan dahil karapatan mo iyon"
Ginagawa ko ito dahil para sa anak ko, I want her to be happy as well. Sapat na siguro na makita niyang kumpleto at nandito na ang tatay niya panatag na ang loob ko.
Nakita ko ang pag-tama ng dalawang kilay ni Daquis dahil sa pagiging seryoso, ngayon na kumalma na ako ay mas nakakapag-isip na ako ng maayos.
"Puwede kang pumasok sa buhay ng anak ko, gawin mo ang responsibilidad mo as her father pero oras na saktan mo ang anak ko, ilalayo ko siya sayo"
May takot parin sa puso ko, alam ko naman na may dahilan kung bakit pinapapasok ko siya sa buhay ng anak ko. Gusto kong mapunan ang pag-kukulang ko sa anak ko, wala naman akong choice dahil kailangan niya ang daddy niya.
"Puwede kang pumasok sa buhay ng anak ko pero hindi na sa akin, ituring mo siyang anak ay ayos na sa akin" seryoso kong sabi na para bang gumagawa na ako ng distansya sa aming dalawa.
"Ganito ka na ba katigas ngayon?" ang tanong niya sa akin na dahilan para kumunot ang noo ko. Gosh! Bakit ngayon na nasa harapan ko siya ay parang halo-halo ang nararamdaman ko?
"I changed for my daughter's sake Daquis, wala namang kaso doon. Mag-babago talaga ako dahil sa ginawa mo" malamig kong sabi sa kanya, tatagan mo ang puso mo Liezel. Ang lalaking nasa harapan mo na minahal mo noon ay siya rin ang dahilan kung bakit ka nasaktan.
Nilagpasan ko na ito pero may nakalimutan pala akong sabihin "If matutulog kayo dito, walang kaso sa akin" ang sabi ko sa kanya, mahaba rin ang byinahe nila at mabuti nalang ay binibigyan ko pa sila ng konsiderasyon.
"Mommy! Daddy!" napa-tingin naman ako sa hagdan at alam kong naagaw rin iyon ang atensyon ni Daquis.
"Antheia huwag kang tumakbo!" sigaw ni Cessie na hinahabol si Antheia sa hagdan. Nang makababa si Antheia ay agad siyang pumunta sa daddy niya ay niyakap niya ang binti nito.
"Welcome home, daddy!" maligalig niyang sabi na dahilan para mapa-lunok ako, ang bilis niyang mapalapit sa tatay niya at nakakaramdam ako ng awa.
Nagulat naman ako ng binuhat ni Daquis si Antheia at gumuhit ang malaking ngiti sa labi nito na para bang nakalimutan niya ang sigawan namin kanina.
"So you're name is Antheia" malambing na sabi nito, ang ganong tono ang dahilan na parang pakiramdam ko noon ay ligtas ako sa piling ni Daquis. Ngayon ko nalang narinig iyon.
"Yes daddy, my name is Antheia Shaye Zuniga" sabi ni Antheia na dahilan para mas lalong matuwa si Daquis dahil sa pagiging bibo nito.
"You can use my surname, baby" kitang-kita ko ang maalagang hawak ni Daquis kay Antheia at kung paano niya ito tignan sa unang pag-kikita ay parang nanlambot ako.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
