Everyday With You
Chapter 45
"Ma.."tawag ko kay mama dahil sa wakas ay nakarating narin kami, hinatid ako ni Daquis dito sa bahay at nandiyan narin sila East para sunduin ito.
Madaling araw na at mabuting sinabihan ko sila mama dahil baka mamaya ay hindi pa nila ako pag-buksan ng pinto.
"Liezel, anak ko.." ang sabi sa akin ni mama na parang iiyak pa, yinakap naman ako nito na dahilan para balikan ko rin ito ng isang mahigpit na yakap. Nakakamiss rin palang maging anak niya, focus kasi ako sa pagiging nanay kaya masaya ako na nakita ko na siya.
"Ang ganda mo parin" narinig ko ang pag-hikbi ni mama na dahilan para mahina akong matawa, humiwalay naman ako sa kanya at pinunasan ang mga luha niya.
"Ma, huwag ka umiyak. Madaling araw na" sabi ko habang tumatawa na dahilan para ngumuso naman ito.
"Sayang, hindi mo sinama si Antheia" sabi nito habang naka-nguso
"Ma, hindi niya ho kakayanin yung byahe. Ayokong mapagod yung bata" hindi pa kasi sanay si Antheia sa mahabang byahe atsaka inaalala ko na baka matakot siya sa barko lalo na't hindi pa siya nakakabisita sa port.
"Liezel.." napa-lingon naman ako sa likod ni mama at doon ko nakita si daddy. Medyo namumuti na ang buhok nito pero kitang-kita parin ang pagiging gwapo niya, lumapit naman ako dito at hinalikan ito sa pisngi.
"Long time no see, dad" ang sabi ko dito at niyakap siya ng mahigpit, parang akong naging bata ulit nung nakita ko sila. Parang nakalimutan ko ang pagiging ina saglitan dahil sa nakita ko ang mga magulang ko.
"Tumataba ka ata" aniya
"Dad!" kararating ko palang ay inaasar niya na kaagad ako, tsk! Mis niya lang kasi ako. Three years na akong wala sa bahay na ito at walang paring nag-babago dito, kung ano ang iniwan ko ay ganon parin ito. Excited tuloy akong makita ang kwarto ko.
"Sige na, mag-pahinga ka na. Mamaya nalang tayo mag-usap" ang sabi sa akin ni mama at tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
Naramdaman ko naman ang pag-yapak ng mga paa sa likod ko na dahilan para mapa-lingon ako.
Napalunok naman ako ng makita si Daquis, narinig kong tumikhim si daddy maging ang pag-singhap ni mama. Sinabihan ko si mama na pakisamahan muna si Daquis dahil sa ama siya ng anak ko.
"Hello there, Daquis" ang sabi ni daddy at ramdam ko ang pagiging seryoso nito na parang hindi pag-bati ang ginawa niya.
Yumuko naman si Daquis bilang pag-bibigay galang dito maging kay mama "Mukhang naloko mo nanaman ang anak ko ha" ang sabi ni mama na dahilan para maguluhan ko siyang tignan, ano bang sabi ko sa kanya?
"Ma.." pananaway ko dito at inukit nalang ang mga mata niya. Ang sabi ko pakisamahan niya muna si Daquis e' pero ito ang pinapakita niya.
"Mauna na ho ako" ang sabi ni Daquis dahil andiyan narin naman sila East at Jao para sunduin ito dahil sa wala itong dalang kotse.
Lumabas naman ito na dahilan para suminghap ako habang tinitignan ang bulto nitong palayo sa amin.
"Ma, ihahatid ko lang ho" pahabol ko at nakita ko ang hindi makapaniwalang ekspresyon ni mama.
"Kakauwi ko lang po, pag-bigyan niyo na po ako" pag-papaliwanag ko dito atsaka pagod na ako. Gusto ko ng mag-pahinga dahil sa mahabang byahe at panigurado akong kailangan rin iyon ni Daquis dahil wala siyang tulog na pinag-maneho ako.
Lumabas naman ako ng bahay at naabutan ko si Daquis na malapit na sa gate ng bahay "Daquis.." ang tawag ko na dahilan para tumigil ito at unti-unting humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
