Chapter 28

241 10 0
                                        

Everyday With You
Chapter 28

"Huy Liezel!"

"Oh?!"

Muntik na akong mapa-mura dahil sa mabigla akong tinawag ni Kyla, agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Bakit ba kailangan niyang manigaw?

"Bakit ka ba nasigaw?" iritadong tanong ko sa kanya at nakita ko ang pag-taas ng kilay niya sa akin. Ano nanaman bang trip niya?

"Paano ako hindi sisigaw e' kanina ka pa tulala diyan" sabi ni Kyla na para bang nanay ko dahil sa napaka-bilis niyang mag-salita. Agad naman akong nahiya dahil ang akala ko ay nakikinig ako sa kanya pero hindi.

Hindi kasi ako mapakali sa sinabi ni Daquis kagabi, anong kakainin? Ako?! Nasisiraan na ba talaga ng utak 'yon at tignan ako na para bang pagkain ako?

"Ano ba kasing nasa brain mo?" tanong ni Kyla, agad naman akong umiling at nag-kunwari wala akong iniisip.

"Mamatay ka sana sa pag-sisinungaling Liezel, ano nga kasi?" pag-pupumilit niya sa akin at doon ako napa-buga ng hininga.

"Inaya ako kahapon ni Gio kumain sa mcdo" pag-iiba ko dahil paniguradong mas magugulat pa siya kapag sinabi ko ang sinabi sa akin ni Daquis.

"Oo alam ko" sabi ni Kyla at tumango nalang ako bilang sagot. Napadabog siya sa table ng canteen pero mabuti nalang at kaunti ang tao dito.

"Gutom rin naman ako kaya sumama na ako"

"Bruha ka! Poging-pogi ako doon tapos aagawin mo" ang sabi ni Kyla habang naka-nguso sa akin na dahilan para manliit ang mga mata ko.

"Bakit? Inggit ka?" pang-aasar ko dito na dahilan para hampasin niya ang balikat ko. Tumawa naman ako dahil sa parang asar na asar na nga ito.

"Alam mo namang gwapong-gwapo ako doon e" parang bata si Kyla na naagawam ng candy. Hindi ko naman kasalanan na inaya ako, gutom rin naman kasi ako kaya sumama na ako.

"E bakit sinabi mong ibigay ko ang--"

"Tse! Ngayon ko na narealize ang nararamdaman ko kaya huwag mong ibibigay kung ano mang meron ka dahil ako ang mag-bibigay non!"

"Bakit, gusto mo ba siya?" ang tanong ko na dahilan para tumaas ang kilay ni Kyla. Gusto kong diretsuhan kaagad, malay mo may gusto naman pala siya dito.

"Oo, bakit?"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, so gusto niya talaga si Gio? Teka, kakakilala niya lang kahapon dito ha!

"Hah? E kakakilala mo lang kahapon don ha!" sabi ko, hindi ako makapaniwala na mabilis rin palang mahulog ang kaibigan ko atsaka may sinabi siya sa akin noon e.

"E ikaw kakakilala mo lang rin naman kay Gio tapos sumama ka na kaagad, hmp!" nagcross-arms si Kyla at inirapan ako. Wow, hindi ko naman inaakala na mag-kakaroon siya ng nararamdaman after niyang makilala si Gio ng isang araw lang.

"So ano yung sinabi mong papatol sa landi pero sa relasyon hindi?" naka-ngisi kong sabi dito, nakita ko naman ang malalim nitong pag-iisip.

"Wala namang masama kung susubukan" kinain niya rin ang salita niya, alam ko namang matalino si Kyla at alam kong sa landi lang siya papatol. No commitment ika niya pero parang kung makasabi siya ay parang free na free siya.

"Yan! Kinain mo rin ang sinabi mo--"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya, out of nowhere ay bigla ko nanamang naalala ang sinabi ni Daquis na dahilan para tumibok ng mabilis ang puso ko.

Puta! Hindi naman ako mag-papakain!

Kinalikot ko ang kamay ko at iniwas ang aking tingin, speaking of Daquis ay nakita ko silang tatlo na pumasok ng canteen.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon