Everyday With You
Chapter 10This week has been a rollercoaster for me, maraming nangyare and inaamin ko na habang patagal ng patagal ang araw ay unti-unti ko ng nakakalimutan ang mga nangyare noon.
Sabi nga nila ay sagarin mo ang sarili mo sa ginagawa mo para makalimot ka kahit papaano. Nakikita kong maayos na ang tinamong sugat ni Keziah mula sa akin, hindi ko pa nasasabi ang apology ko about what happened but I wish that she's okay.
Ilang araw ko naring hindi nakikita ang mag-pipinsan, maybe nag-iba ang oras nila because of some conflicts but I don't know if I'm the one who's staying away from them. Kahit mag-kakakilala na kami ay hindi parin mawawala sa akin ang mga nangyare.
Tila parang hinahabol ako ng nakaraan, kahit matagal ng nangyare ang biglaang pag-hawak ni Daquis sa leeg ko ay unti-unti narin itong gumagaling. I was really scared that time but I realized that he's worried about Keziah and I understand, maybe I shouldn't do it edi sana walang nasaktan.
Patuloy akong nag-lalakad dala-dala ang mga libro ko, hindi ko ngayon kasama si Kyla paano ba naman absent dahil nasa vacation. Ewan ko nalang sa kanya kung makakaya niya lahat ng mga papagawin sa kanya ng mga profs para maka-habol.
Pero sa pag-lalakad ko ay parang nakita ko ang tatlong lalaki na kanina ay nasa isipan ko, nag-tama ang mga tingin namin na dahilan para kabahan at mahawakan ko ang aking leeg. Natatakot ako sa kanila, mas lalo na ang lalaking nasa gilid na nananahimik.
He's staring at me coldly na para bang sa isip niya ay pinapatay niya na ako, is this what I deserve dahil sa nasaktan ko si Keziah? Kailangan ba hawakan niya ang leeg ko at saktan dahil sa napahamak ko si Keziah?
Parang hindi ako naka-hinga dahil sa mga tingin nila, agad kong iniwas ang mga tingin ko at mabilis na nag-lakad sa kabilang daanan. As long as possible ayoko silang makita, they are making me nervous hindi ko naman alam na ganon pala kahalaga si Keziah sa kanilang lahat.
Matapos ang klase ay dumiretso ako sa library para mag-hanap ng ibang mga informations sa assignment namin. Mas marami kasing laman ang libro kaysa sa internet kaya dito nalang ako pumunta.
Ang hirap pala kapag wala si Kyla, wala man lang akong kasamang pupunta ng library. Kapag bumalik yun ay sasabunutan ko talaga yun.
Kumuha ako ng ilang mga libro na makakapal at mag-hahanap ng information dito, aabutin siguro ako ng 6pm dito sa school dahil dito pero puwede ko rin namang hiramin ito at iuwi sa bahay.
Kumunot naman ang noo ko dahil tila may kakaiba sa mga librong kinuha ko "Asaan na yung isa? Dapat apat to ah" ani ko sa sarili ko at pilit hinahanap ang pang-apat na libro.
Tingin lang ako ng tingin ng biglang makita ko ang pang-apat ng libro na naka-lagay sa isang table. Nag-lakad naman ako para kunin na ito pero sa pag-kuha ko ay sumabay ang isang kamay sa pag-hawak na dahilan para pareho namin itong mahawakan.
"I'm sorry" ani ko at tumingin sa taong naka-sabay ko sa pag-hawak ng libro
Parang naging yelo ang mga kamay ko, hindi ako makagalaw ng makita ko ang mga mata nito na para bang hindi niya nagustuhan ang pag-kikita namin. Nagawa kong maialis ang kamay ko sa kabila ng pagiging nerbyosa.
Malalim na hininga ang binigay ko at tumalikod, hindi ko kayang makita ang mukha niya. Natatakot ako sa kaya niyang gawin "You need it?"
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...