Chapter 40

206 10 0
                                    

Everyday With You
Chapter 40

Malakas na tilaok ng manok ang dahilan kung bakit ako nagising, pumapasok narin ang sinag ng araw sa kwarto ko at panigurado akong maya-maya lang ay magigising na si Antheia.

Bumaba na ako at nag-tungo na ng kusina para mag-handa na ng almusal "Oh gising ka na" ang bungad sa akin ni Cessie na tumungo sa cabinet para kumuha ng tasa.

"Nandiyan na ba sila?" tanong ko dito

"Nag-sisimula na silang kumuha nung mga bulaklak na puwede ng ideliver aa Maynila, punong-puno nga yung Gazebo e" ang sabi sa akin ni Cessie na dahilan para mapa-ngiti ako.

Mukhang buhos na talaga ang biyaya sa akin dahil sa maganda ang kita at ang takbo ng plantation ngayon, kung noon kasi ay bihira lang ito kaya gusto naming ibigay ang best namin.

Kung tutuusin ay mas maraming plantation na mas layo kaysa sa amin atsaka pakiramdam ko ay hindi ko pa masyadong gamay ang pag-papatakbo nito pero kasama ko naman sila Mang Almario kaya natututukan rin nila ang plantation.

"Uh Liezel may tanong sana ako.." sabi ni Cessie na dahilan para sulyapan ko siya at taasan ito ng kilay. Nag-lagay naman ako ng itlog sa pan at binantayan ito hanggang sa maluto.

"Ano 'yon?" ang tanong ko dito

Medyo nag-unat unat naman ako ng katawan ko dahil ramdam ko ang pananakit nito dahil sa mahimbing at matagal ang tulog ko.

"Simula nung dumating kayo dito ni Antheia e' nag-tataka naman ako kung bakit kayo lang, kung bakit wala yung tatay niya" ang sabi niya sa akin na dahilan para mahigpitan ko ang hawak sa spatula.

"B-Bakit, nag-tataka ka ba kung nasaan ang tatay ni Antheia?"

Kahit kailan ay hindi ko nakwento ang tungkol sa tatay ni Antheia, sarado ang bibig ko maging ang isip ko sa topic na iyan. Alam ko naman na nag-tataka rin sila kung asaan ang tatay ni Antheia kaya hindi ko inaasahan na tatanungin ako ngayon ni Cessie.

"Hindi naman sa pang-hihimasok pero 4 years old na si Antheia, kawawa naman yung bata walang alam sa tatay niya" nilagay ko naman ang itlog sa plato at unti-unting tumingin kay Cessie.

Yumuko naman ako at pilit na ngumiti "Naaawa rin naman ako sa anak ko, maski ako hindi ko alam kung nasaan ang tatay niya. Alam ko namang balang araw mag-tataka siya kung bakit hindi nag-papakita ang tatay niya at wala akong maibigay na sagot dahil hindi ko rin alam"

Nung umalis ako ng Maynila ay naputol na ang koneksyon ko sa Arevello, parang iniisip ko nalang na hindi sila nag-eexist sa buhay ko dahil ayoko namang may nanggugulo sa isip ko habang inaalagaan si Antheia.

"Hindi mo naman kasi kwinikwento e' malapit narin naman ako sayo atsaka parang inaanak ko na 'yan si Antheia" ngumiti naman ako sa kanya bilang sagot.

"Pero paano kapag bumalik yung tatay niya?" ang tanong ni Cessie na dahilan para ilang segundo akong hindi maka-sagot. Paano nga kung bumalik si Daquis?

Magugulat siya dahil hindi niya alam na may anak pala siya at baka may pamilya na siya. Halos wala pa akong plano kapag nag-kita kami at nalaman niya pero ang ang alam ko ay siya ang ama ng anak ko.

I don't want to be unfair, puwede siyang pumasok sa buhay ng anak ko pero hindi sa akin. Mas okay na masaya ang anak ko na nakikita niya ang tatay niya habang ako ay nasasaktan.

"I want my daughter to be happy at kung ang tatay niya ang magiging dahilan ay walang problema sa akin"

Parang sa sinabi ko ay kumontra ang buong sistema ko, halos walang nakaka-alam na may anak na ako and I want my daughter to be safe sa kung anumang pang-huhusga.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon