Chapter 34

180 10 0
                                    

Everyday With You
Chapter 34

Hindi nag-tagal ay nakarating na kami sa birthday party ni Jaochenn at kahit medyo malayo ang pinag-park namin ni Daquis ay rinig na rinig na ang music sa bahay nito.

Mabuti nalang ay nakarating na kami dahil hindi parin mawala sa isip ko ang ginawa ni Daquis, hinalikan ba naman ako sa leeg syempre sinong hindi maiinitan sa ginawa niya?

And anong sinasabi niyang 'I want to do it' nababaliw na ba siya. Hindi pa nga kami nakakarating ng party kung ano-ano na ang sinasabi niya which it totally scary.

Agad akong bumaba dahil hindi ko siya matignan ngayon sa mata, mas nauna akong mag-lakad sa kanya at ramdam ko ang tingin niya sa akin. Gosh! Nararamdaman ko nanaman ang pag-init ng pisngi ko.

"Hey.." malalim niyang sabi na dahilan para unti-unti akong lumingon sa kanya.

"What?" ang tanong ko sa kanya, mabuti nalang at hindi ako nautal. He tilted his head at para bang kinakabisado niya ang nasa isip ko, damn! Huwag mo akong tignan ng ganyan!

"I'm just teasing you a while ago" malalim na sabi niya na dahilan para suminghap ako. I'm not yet ready on that, nung muntikan ng mangyare sa amin iyon ni Daquis ay naging cautious na ako sa sarili ko.

"Tss...teasing? Hinalikan mo nga yung leeg ko" nakuha ko pang ngumisi dahil parang hindi niya naman ako inaasar kanina. He was like a beast who is ready to eat me, ano bang laban ko sa isang kagaya niya?

"I can still see you blushing Liezel" sabi niya habang naka-ngisi na dahilan para mapa-iling ako. Ibang klaseng tama na talaga ang meron ako kay Daquis, hinalikan niya lang ako sa leeg parang hihimatayin na ako.

"Sira ka talaga" sabi ko

"Let's go" sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko na dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Teka, teka!" sabi ko na dahilan para matigilan si Daquis, agad na tumaas ang kilay niya sa akin. Tumingin naman ako sa kamay namin na mag-kahawak "Huwag mong sabihin na papasok tayong nakaganito?" 

Please tell me na hindi dahil malaking hot issue ito kapag pumasok ako sa school "Oo, bakit?" ang tanong niya sa akin na dahilan para mapa-singhap ako. Wala pa ako sa party pero parang wala na akong ganang pumasok.

"Daquis, hindi naman tayo--"

"We kissed and we almost have sex" halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Daquis, is he serious? Kapag ba nag-kahalikan na kami ibig sabihin nun ay kami na?

"What?! Are you crazy?!" natataranta kong tanong sa kanya

"Gusto kita and gusto mo ako, tayo na" so fast and furious lang? Nababaliw na ba siya?

"Pero--"

"Let's go, hinihintay na nila tayo doon" pag-putol niya sa akin at nag-lakad na, mag-kahawak parin ang mga kamay namin na dahilan para mapakamot ako sa ulo ko. Paniguradong pag-titinginan kami dahil sa kilala itong si Daquis, patay talaga!

Hindi pa ako handa na maging public kahit wala pa namang kami, gosh! Parang gusto ko nalang umatras dahil alam kong pag-kakaguluhan kami.

Nung tuluyan na kaming makapasok ni Daquis ay bumungad sa amin ang maraming tao, syempre isang Arevello ang may birthday panigurado akong halos lahat ng ka-batch namin ay nandito.

"Uy ang sweet!" narinig kong sabi ni East habang naka-tingin pa sa kamay namin ni Daquis, sinubukan ko namang tanggalin ang kamay ko sa pag-kakahawak ni Daquis pero ang higpit kasi ng hawak niya na sakop niya na ang maliit kong kamay.

"Hala, ano 'yan?" pag-bungad naman ni Kyla na dahilan para makagat ko ang labi ko, malutong akong napamura sa isip ko. Ihanda ko na ang phone ko bukas dahil paniguradong mag-damag kaming mag-uusap tungkol sa amin ni Daquis.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon