Chapter 11

233 14 0
                                    

Everyday With You
Chapter 11

Sa pag-pasok ko sa university ay hindi ko inaasahan ang isang malaking crowd ng mga tao, halos hindi na ako makadaan dahil sa dami, ano bang meron? Ano bang problema?

Hindi ko na pinilit ang sarili ko na sumiksik sa ganyang karaming tao sa kabila nalang siguro ako dadaan "Huy Liezel!" 

Napatingin ako sa likuran ko at doon ko nakita si Kyla, tumakbo ito palapit sa akin at ako naman ay ngumiti sa kanya "Papunta ka na sa room?" tanong niya sa akin na dahilan para tumango ako.

"Teka, ano bang meron? Bakit ang daming tao?" tanong ko kay Kyla, sobrang dami kasing estudyante ang nag-kukumpulan hindi ba nila alam na malapit na mag-start ang klase?

"Si Jaochenn may kaaway, kateammate niya ata" sabi sa akin ni Kyla na dahilan para malingat ko ang tingin ko sa maraming tao, at oo doon ko nakita ang mag-pipinsan.

Wala pang nangyayare pero nakikita ko kung gaano ang nararamdamang tensyon ni Jaochenn, seriously? Gagawin talaga nila dito sa school yan?

"Ano ba daw ang nangyare?

"Nalilink daw si Jaochenn sa girlfriend nung kateammate niya, ayun nagkukumahog na kinokompronta si Jaochenn" sabi sa akin ni Kyla na dahilan kumunot ang noo ko.

Nilingon ko pa kung ano na ba ang nangyayare pero padami na ng padami ang tao na dahilan para matabunan ang mag-pipinsan "Hay nako! Halika na nga, hayaan mo na sila diyan" pag-yaya sa akin ni Kyla.

Hindi parin matigil ang pag-lingon ko na dahilan para hilain niya na ako palayo sa maraming tao, ang mag-pipinsan talaga lapitin ng gulo at parang kahit kailan ay hindi mawawala sa kanila iyon dahil sa kilala sila sa university.

Nag-tungo na kami sa classroom at doon nanaman tumabi sa akin si Kyla "Nga pala hindi kita nakita kahapon, nasaan ka?" tanong sa akin ni Kyla na dahilan para lumaki ang mga mata ko, saan nga ba ako galing kahapon?

Napasinghap ako at inosenteng tumingin sa kanya, tinaasan naman niya ako ng kilay na dahilan para makita ko na gusto niyang malaman kung nasaan talaga ako nung time na hinahanap niya ako.

Umayos naman ako ng upo at seryoso siyang tinignan" Kyla, huwag kang magugulat sa sasabihin ko" pag-bibigay paalala ko sa kanya na dahilan para makita ko ang kunot sa kanyang noo.

"Oo, ano ba yun?"

Napalunok ako dahil alam kong mag-iingay talaga siya pero dapat alam niya ito dahil mag-tatampo talaga siya "Diba alam mo naman kung anong nangyare between me and Daquis?" tanong ko dito.

Tumango naman siya sa akin bilang sagot pero unti-unti itong nawala at mariing hinawakan ang kamay ko "Bakit? Anong ginawa niya sayo? May ginawa na nanaman ba siyang masama sayo?" tanong niya sa akin na may halong pag-aalala.

Umiling naman ako bilang sagot sa kanya "Kyla wala siyang ginawang masama, dinala niya lang naman ako sa isang lugar kung saan niya balak mag-sorry"

Wait, humingi ba talaga siya ng tawad sa akin? O sadyang tinanggap ko nalang dahil narinig ko naman ang explanation niya?

"Si Daquis nag-sorry sayo?" tanong sa akin ni Kyla, nakakunot-noo naman akong tumango sa kanya. Bakit may problema ba?

"Wow... I guess nakahanap rin siya ng katapat niya" sabi ni Kyla na dahilan para maguluhan ako, ano nanaman ba ang pakulo niya? Kung ano-ano nanaman ang iniisip niya at kahit kailan ang hirap niyang basahin.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon