Everyday With You
Chapter 50 (Epilogue)
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumututok sa mata ko. Naramdaman ko naman ang malamig na simoy ng hangin na dumadaloy sa aking katawan, gumalaw ako pero naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko.
Kumunot ang noo ko marahil bakit sobrang lamig? Unti-unti ko namang tinignan ang katawan ko at halos bumalik muli ako sa pag-katulog ng makita kong kumot lang ang nag-tatakip sa akin, wala akong suot na damit!
"Ahh!" tili ko at para bang isang asong naipit. Jusmiyo! Bakit ako naka-hubad? Tumingin naman ako sa sahig at halos malaglag ako ng makita ang mga damit na alam kong suot-suot ko kagabi. Shuta!
"W-What the fuck.." usal ko habang tinitignan ang mga damit na para bang sinampal sa akin kung ano ang dahilan kung bakit wala akong damit.
Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko ng maalala ko lahat. Shit! That night, something happened! Oh shit! Fuck!
Halos mag-dugo na ang labi ko dahil sa pag-kagat ko dito at ramdam ko ang mabilis na pag-tibok ng puso ko. Sinampal na sa akin ng alaala ko kung anong nangyare kagabi and holy fuck!
"Why are you screaming?" dahan-dahan akong napa-tingin sa nag-salita at halos maluha na ang mata ko ng makitang topless si Daquis at naka-jagger pants nito habang pinapatayo niya pa ang buhok niya na basa gamit ang tuwalya.
Napalunok naman ako at tinakpan ng mabuti ang katawan ko gamit ang kumot, para akong nahuli sa mismong kwarto ko. Sabi ng huwag nalang uminom eh!
"S-Something happened right?" nauutal kong sabi na para bang napaka-inosente ko. Kumunot naman ang noo ni Daquis at unti-unting lumapit sa akin na dahilan para humigpit ang hawak ko sa kumot.
"Tss, bakit mo pa tinatago e' nakita ko narin naman 'yan?" naka-ngisi niyang sabi sa akin na dahilan para mas lalong akong mamula.
"Daquis!" sabi ko at hinampas ang balikat nito na dahilan para seryoso niya akong tignan. Puta! Napakabilis namang mag-bago ng mood nito.
"Bakit hindi mo ako ginising, baka mamaya pumasok dito si Antheia"
Jusme! Malalaglag talaga ako sa higaan kapag nakita niyang wala akong suot-suot na damit. Naiisip ko palang ang reaksyon niya, jusme! Four years old palang ang anak ko!
"You're tired baby, you keep screaming last night that's why hinayaan nalang kitang mag-pahinga"
Mariin kong napikit ang mga mata ko dahil sa nangyare, gosh! This is so embarrassing, dapat pala mas nauna na akong nagising para naman hindi bumungad sa akin si Daquis sa umaga.
"And also your nails.." kumunot naman ang noo ko dahil pinabitin niya pa ang sasabihin niya. Ano namang meron sa mga kuko ko?
"What about my nails?" tanong ko sa kanya at nakita ko muli ang pag-awang ng sulok ng kanyang labi.
"Masyado mo siyang nabaon sa likod ko that's why nag-kasugat" ang sabi niya sa akin na dahilan para manlaki ang mga mata ko. What the hell Liezel, super wild!
"Ha?! Patignan nga!" nag-aalalang sabi ko at pilit na tinitignan ang kanyang likod. Hindi naman ganon kahaba ang mga kuko ko dahil sa nag-aalaga ako ng bata.
Nung tumalikod naman ito ay halos mahiya ako ng makita ang mga baon ng kuko ko sa likod niya. What the hell!
"I'm sorry.." I said at kinagat ang ibabang parte ng labi ko dahil sa hiya.
"Hindi naman ganon kahaba ang kuko ko--"
Natigilan ako ng biglang napansin ang kakaiba sa kamay ko, parang tumigil ang pag-tibok ng puso ko ng makita ang kakaiba sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
