Chapter 36

204 11 0
                                    

Everyday With You
Chapter 36

Months passed at ngayon nandito ako sa kompanya ni daddy kung saan inaaral ang kalarakaran, mga sales at history. Kanina pa ako nag-babasa at medyo sumasakit narin ang batok ko kakayuko para mabasa lang ng maayos ang background.

Hindi ko pa naman inalam ito nung nasa college palang ako and now na 23 na ako may responsibility na ako para alamin ang kalakaran sa kompanya. Kung noon ay binaba ako ng mga pinsan ko dahil sa wala pa akong napapatunayan ay hintayin nalang nila.

Kaka-birthday ko lang rin and kami-kami lang pamilya ang nag-celebrate kasama rin si Daquis, lagi nga akong tumatambay sa bahay nila kasi kailangan ako ni Riona or maybe gagawa kami ng girly stuffs. Yung bunso naman na si Samuel, parang kagaya lang rin siya ni Daquis pero malapit naman ako sa kanya.

Nakilala ko na ang mga kapatid niya and syempre ang mga magulang niya, minsan naman ay nasa condo ako ni Daquis. Gusto ko lang nasa condo niya dahil komportable at aesthetic ang condo niya pero syempre hindi ako doon natutulog.

Si Daquis gusto niya maging lawyer, ang alam ko tinutulungan siya ng daddy niya and kapag pumupunta ako sa condo niya ay maraming libro ang naka-patong sa coffee table niya. He wants to pursue that, at gusto niya ring makapasa agad.

Ang sabi ko nga sa kanya na it takes time para maging lawyer pero ayos lang sa kanya dahil sa gusto niya naman ito, iyon ang gusto niya simula pag-kabata. At yung pag-lalaro niya well ginagawa niya nalang libangan iyon dahil gusto niya munang mag-trabaho.

Pero tumutulong rin naman siya sa kompanya ng daddy niya and masaya naman ako na nababalanse niya iyon.

Bigla namang may kumatok sa pinto na dahilan para mapunta ang tingin ko dito, nakita ko naman si daddy na naka-ngiti sa akin "Tired?" ang tanong niya sa akin na dahilan para mahina akong matawa.

Actually hindi naman niya ako pinilit na piliin ang kompanya dahil ako ang nag-kusa, ang sabi niya sa akin ay puwede kong gawin kung anong gusto ko pero ito naman talaga ang gusto ko.

"You can stop now, umuwi ka na muna" ang sabi sa akin ni daddy na dahilan para maisara ko ang isang binder at nag-unat unat naman ng katawan.

Hapon narin naman at ito ang first day ko sa kompanya, matatapos ko naman sigurong basahin to bukas kaya gusto ko na munang umuwi.

"Salamat, nak" ang sabi niya at unti-unti akong nilapitan para yakapin ako, binalikan ko naman ang yakap nito. Narealize ko na ang swerte ko sa pamilya ko, kahit na nag-iisang anak lang ako ay hindi nila ako kino-kontrol.

"Dad, balang araw kukunin ko na kompanya mo ha" sabi ko na dahilan para matawa siya at humiwalay sa yakap.

"Syempre naman, ibibigay ko sayo kapag handa ka na" mahina akong natawa dahil sa sinabi niya, I will wait kung kailan niya ibibigay at syempre dapat handa na ako doon.

"Sige na umuwi ka na" kinuha ko naman ang bag ko at dali-daling lumabas ng opisina na ginamit ko muna, pag-kalabas ko ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lalaking naka-sandal sa pander.

"You're here.." ang sabi ko at unti-unting ngumiti, binuksan naman niya ang dalawang kamay niya na para bang gusto nito ng yakap. Hindi na ako nag-dalawang isip na yakapin ito, naamoy ko ang kanyang pabango na Calvin Klein na paborito ko, wala paring nag-bago.

"Bakit nandito ka?" tanong ko dito at mas lalo binaon ang ulo ko sa dibdib niya, ang bango niya talaga.

"Malamang, para sunduin ka" nakita ko ang ngisi sa labi niya na dahilan para kumunot naman ang noo ko.

"Paano mo naman nalaman?" tanong ko dito

"Sinabi sa akin ni tito" hinawakan naman niya ang kamay ko para iuwi na ako sa bahay, well ilang buwan narin namang kami ni Daquis and sinasabi kong masaya ako sa relasyon namin. Wala paring namang nag-bago sa kanya, he still courts me.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon