Chapter 9

261 14 0
                                    

Everyday With You
Chapter 9

"Hindi pa ba tapos yung klase?" tamad na tanong sa akin ni Kyla habang nag-lalakad kaming dalawa sa corridor. Halata naman na pagod at puyat siya kaya nga lang hindi ko alam ang dahilan.

"Nag-puyat ka so what's the reason?" tanong ko sa kanya na dahilan para mag-tama ang mga tingin namin. Unti nalang ata ay iitim na ang mukha niya dahil sa pagod at puyat.

"Tinapos ko yung thesis sa history" sabi niya sa akin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Ang pag-kakaalam matagal ng binigay yun ng prof so bakit ang tagal gumawa ni Kyla?

"Inaantok pa ako, pakiramdam ko sasayad na yung mukha ko sa sahig" sino ba namang hindi aantukin sa thesis na matagal ng binigay ay doon lang mag-hahabol kinagabihan.

"Matagal na kasing binigay kagabi ka lang gumawa" pananaway ko sa kanya, kasalanan naman niya kung bakit siya napuyat. Kahit kailan talaga, tatamaan at tatamaan ka ng katamaran kapag thesis na.

"Pumunta na nga tayo sa room, hindi mo naman ako kailangang pagalitan" napangisi nalang ako dahil sa sinabi niya at parang kinaladkad ko nalang ito dahil sa sobrang antok niya.

Pagkarating namin ng room ay kumunot ang noo ko ng makitang may naka-upo sa upuan ni Kyla "Anong ginagawa niya dito?" bulong ko sa sarili pero narinig ito ni Kyla at tinignan kung saan ako naka-tingin.

"What the! bakit siya nasa upuan ko?" tanong niya at dali-daling nag-lakad sa taong naka-upo "Hoy Jaochenn! Anong ginagawa mo sa upuan ko?"

Dali-dali naman akong lumapit na may pag-tataka sa noo ko, anong ginagawa niya dito? Naligaw ba siya ng room? Or lumipat siya ng subject?

"Waiting for you" parang mas mabilis pa sa agila ang mga mata ng students na dahilan para maloka ako. Kita ko ang mga mala-issue nilang tingin na parang hawak hawak na nila ang sandata nilang phone para ipost sa social media.

"Waiting my ass, umalis ka nga dito. Hindi ka naman siguro naligaw diba" bulong na sabi ni Kyla bagama't ayaw niyang marinig ito ng mga students. Umikot naman ang mga mata ni Jaochenn na dahilan para tumaas ang kilay ko.

"We need to talk" hindi ko alam kung bakit kailangang makipag-usap ni Jaochenn kay Kyla, am I missing something? May hindi ba ako alam sa nangyayare kay Kyla?

"Well mister I need to seat" usal ni Kyla na dahilan para mapa-ngisi si Jaochenn. Seryoso, pati ako kung ano-anong bumabalot na issue ang naiisip ko sa dalawa.

"We need to talk, I'll just talk to your prof no worries wala akong gagawing masama" mapag-kumbaba na ang boses ni Jaochenn, at himala hindi niya kasama ngayon ang mga pinsan niya but there's something in my nerves as if I was looking for someone.

"Get out" mariing sabi ni Kyla at pinang-didilatan ito ng mga mata, nilapit naman ni Jaochenn ang kanyang mukha na dahilan na parang ako ang mas nagulat dahil sa ginagawa nito.

"Want me to do something cool to get you out of here?" naka-ngising sabi ni Jaochenn na dahilan para mas lalong kumunot ang noo ko. Ano ba kasing pag-uusapan nila?

"In just five minutes everything will change and you'll be a famous girl in the university" tumaas naman ang kilay ni Kyla, she knows that Jaochenn is testing her patience at hindi mag-papatumba si Kyla sa kanya.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon