Everyday With You
Chapter 43Tahimik lang ang byahe namin at malapit narin naman kami sa bayan kaya kahit papaano ay makakahinga na ako ng maluwag dahil sa si Daquis ang sumama sa akin para mag-hatid ng bulaklak, tsk!
Tumingin naman ako sa side mirror at sinimulang ipitan ang buhok ko na hanggang balikat nalang. Kahit maikli ang buhok ko ay sagabal parin ito sa pag-bubuhat ko mamaya, kahit ako lang naman ang mag-baba ay ayos lang dahil kaya ko naman.
"Why are you tying your hair?" ang tanong sa akin ni Daquis at hindi ko nalang ito pinansin dahil gusto ko lang. Hindi naman kami malapit sa isa't-isa, hahayaan ko nalang siya mag-salita mag-isa diyan.
Hindi ko nga ito sinagot at narinig ko ang malalim niyang pag-hinga ibigsabihin lang nun ay naiinis na siya, tsk! Akalain mong limang taon na ang nakalipas ay kabisado ko parin siya. Patay na patay talaga ako sa kanya noon, tss.
"Liezel, you're annoying me"
Wow! Ako pa ang nakakairita e' siya nga itong nakikipag-usap. Hindi ba siya nakakaramdam na ayaw ko siyang kausapin? Wala naman kami sa harap ni Antheia para mag-panggap na masaya.
Tinutok ko ang sarili ko sa side mirror at medyo inayos ang buhok ko para naman hindi ito maka-abala sa akin mamaya pero nagulat ako ng biglang kunin ni Daquis ang kamay ko at kinagat niya ang index finger ko na dahilan para mabilis ko itong tignan.
"What the hell Daquis!" naiinis na sabi ko at agad na binawa ang kamay ko sa pag-kakahawak niya. Nakita ko ang mahina niyang pag-chuckle, anong tinatawa niya?
"Now, I got your attention" ang sabi niya at sumulyap sa akin, ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa inis. Iyon lang ang ginawa niya pero grabe na ang galit na nararamdaman ko, trip niya ba ako?
"Mister--"
"Baby, Liezel. Baby" pag-tatama niya sa akin na dapat tawagin ko siyang baby. Nasisiraan na ba talaga siya ng ulo, hindi ko na siya maintindihan.
"Daquis, puwede bang huwag mo akong kausapin? Kakausapin lang kita kung tungkol lang kay Antheia" mataray kong sabi sa kanya na dahilan para tumaas ang kilay niya.
"Do you think I'll allow that?" anak ng putcha naman! Napaka-tigas talaga ng ulo ng lalaking to. Ibalik kita sa Italy e!
"For Pete's sake Daquis, huwag mo nalang ako kausapin dahil maiinis lang ako sayo" ngayon pa nga lang ay naiinis na ako, after five years ay ngayon lang ako nainis ng ganito at dahil parin sa kanya.
"Tss...you can't do that" ang sabi niya sa akin na dahilan para umikot ang mga mata ko. Magagawa ko iyon dahil gusto ko.
"Whatever, bahala ka sa buhay mo"
"Sige gumanyan ka lang, kakainin talaga kita" aniya na dahilan para gulat ko siyang tignan, ramdam ko ang inis ko na umabot na sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin and para siyang bata.
Hinampas ko naman ang matipuno niyang braso "Yang bibig mo ha, huwag mong ipaparinig ang ganyan sa harap ni Antheia" hindi magandang biro ang sinabi niya marahil wala naman kaming relasyon. Akala niya ba ayos lang kami?
He brushed his fingertips on his hair dahil sa hangin na dumadaan sa amin at naka-ngisi pa ito na dahilan para hindi ako makapaniwala. Mukhang hindi talaga siya nakikinig sa akin, nakakainis ka Daquis!
"Oh andito na tayo" ang sabi niya sa akin na dahilan para mapunta sa harap ang tingin ko at doon na nga bumungad ang sunod-sunod na flower shop. Nasa bayan na nga kaming at medyo kaunti narin ang tao dahil sa hapon na, kapag umaga kasi ay dagsa ito marahil sa ito ang pinakamalaking palengke sa Oriental Mindoro.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomansaAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...