Chapter 33

193 11 0
                                    

Everyday With You
Chapter 33

It's already 2:00 pm at mamayang 7:00 pm ang birthday party ni Jaochenn, well hindi naman namin alam ang bahay nila kaya sinabihan kami ni East na susunduin niya kami.

"Ayos na ba itong susuotin ko?" ang tanong ni Kyla at inangat ang sheath dress na kulay puti na may gold touch. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot dahil bagay naman ito sa katawan niyang magandang kurba.

Maaga siyang pumunta dito dahil gusto niya sabay kaming susunduin ni East, atsaka kailangan niya rin ng tulong ko. Ang sabi ko nga ay simplehan niya lang pero hinawa niya narin ako at ngayon ay nag-hahalungkat ako sa closet ko ng damit.

Para ngang si Kyla ang may birthday dahil masyado niyang ginagandahan pero ang pag-tutuunan niya lang naman ng pansin ay si Gio. Baka kasi andoon siya kaya dapat ready siya, tinawanan ko nalang siya at hinayaan.

And about Gio, sana itikom niya nalanga ng bibig niya.Hindi naman niya sasabihin diba? Bakit ba kasi inagaw ni Daquis ang phone ko, 'yan tuloy delikado ako kapag nakita ko si Gio!

And speaking of Daquis, naamin ko narin sa kanya ang lahat. Gosh! It's so embarrassing, ngayon lang ako umamin sa taong mahal ko at hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko siya.

And wala paring alam si Kyla sa lahat ng nangyayare, alam ko naman kung gaano ka-megaphone ang bibig niya kaya mas mabuting hindi niya pa alam. Tatadtarin niya lang ako ng asar at isama mo pa si East.

"Ito! Bagay to sayo!" sabi ni Kyla at kinuha ang bodycon dress na nude pink. Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay, bakit ito ang susuotin ko? Too much skin!

"Bakit ito? Hindi ba masyadong revealing to?" ang tanong ko sa kanya at kinuha ang dress para tignan sa salamin.

"Ano ka ba! We can wear whatever we want atsaka maganda 'yan kapag nag-kulot ka pa ng buhok" para siyang sales lady na dahilan para umiling nalang ako, bakit ba kasi ito nasa closet ko?

"Nga pala, tinawagan ako ni tita ilang araw nakalipas" ang sabi sa akin ni Kyla habang ako naman ay hinahanap ng sapatos na babagay sa pinili niyang damit sa akin.

"Ang sabi niya, gabi na daw wala ka pa. Nag-taka nga ako e' ang akala ko umuwi ka na" natigilan ako dahil sa sinabi niya, naramdaman ko ang pag-bilis ng tibok ng puso ko. Yes, gabi na ako nakauwi dahil nasa condo ako ni Daquis, sorry Kyla!

Sinabi ko kay mama na kumain lang ako at nag-libot libot sa mall, nag-sinungaling ako dahil baka tanungin pa ako kapag sinabi kong nasa condo ako ni Daquis.

"Kumain lang ako tapos nag-libot sa mall" mabuti nalang at hindi ako nautal.

"Sino kasama mo? Don't tell me si Gio--"

"Gosh! Hindi siya ang kasama ko okay... wala akong kasama" galit ko pang sabi na para bang sasampalin ko na ang labi ko dahil puro kasinungalingan ang lumalabas dito.

"Wala kang kasama...parang imposible naman iyon" sabi ni Kyla habang nanliliit pa ang mga mata na dahilan para mapa-lunok ako. Huwag niya akong tignan ng ganyan dahil baka madulas ako!

"A-Anong imposible? Kaya ko namang lumabas mag-isa" pag-mamayabang ko pa, sorry Kyla kung kailangan kong mag-sinungaling. Ayokong matadtad ng asar at mga tanong mo!

"Hmm... pwede rin naman" sabi niya at tumango-tango pa, mabuti nalang at nakumbinsi ko siya na kumain lang ako mag-isa sa mall pero ang totoo nasa condo ako ni Daquis.

Hindi nag-tagal ay nakapag-ayos narin kami ni Kyla, sinuot niya ang sheath dress with a white stilettos habang ako naman ay sinuot ang bodycon dress na nude pink at ang white pump shoes.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon