Everyday With You
Chapter 6It's cold weather, madilim ang kalangitan, malakas ang hangin at huli sa lahat tahimik. Nananatili ako sa bahay at inaayos ang aking sarili, ito na ang araw na ipapasa ko ang research ko sa economics and I'm confident on passing it.
Kahit na masarap matulog ng ganitong panahon ay pinilit ko talagang bumangon, atsaka wala namang bagyo kaya walang reason para hindi ako pumasok.
Nang maayos na ang mga gamit ko at pumunta na ako sa dining room, as always naka-handa na ang pagkain at ako nanaman ang mag-isa. Naiintindihan ko naman ang parents ko nandiyan naman si manang Ester para alagaan ako kaya ayos lang.
"Kumain ka na ng makaalis ka na" sabi niya sa akin habang naka-ngiti, habang wala sila mama at daddy siya ang taga-bantay ng bahay.
Matagal na namin siyang kasama at pinag-kakatiwalaan siya ng parents ko. Umupo na ako pero tumingin ako kay manang Ester na dahilan para maagaw ko ang atensyon niya.
"Anong problema? May balak ka bang itanong?" tanong niya sa akin na dahilan para mangapa ako, nag-hihintay siya ng sagot ko habang ako parang unti-unting sinasarado ako bibig ko.
"Liezel, ayaw mo ba nung pagkain?" tanong niya sa akin at lumapit, ako naman itong hindi mapakali. Sabi ng ni Kyla bakit hindi ko tanungin si manang Ester baka kilala niya kung sino ang nag-hatid sa akin nung gabing lasing ako.
"M-Manang, naaalala niyo po ba yung gabing lasing ako?" tanong ko sa kanya, finally I can speak out the words I need to say.
Kumunot naman ang noo niya dahil sa tanong ko "Oo naman, mahimbjng nga ako tulog mo" mariin akong napa-pikit dahil parang na-iimagine ko kung gaano ako kapagod at tulog na tulog noong gabing iyon.
This is my chance to know who's the man behind it "E manang, may nag-hatid po sa akin dito diba? Kilala niyo po ba siya?" tanong ko sa kanya at nakita ko na parang inaalala niya ang gabing iyon.
Mga ilang segundo akong nag-hintay nang tumingin siya sa akin "Hindi ko siya kilala hija pero naaalala ko ang itsura niya"
Okay, sana ibigay niya lahat ng kailangan kong malaman "Can you describe his face?" tumango naman ito bilang sagot.
"Matangkad siya, ang tangos ng ilong, yung labi niya parang mas mapula pa kaysa sa mga babae, makapal yung kilay niya, yung buhok niya medyo may pag-kabrown" pag-dedescribe niya sa lalaking nag-hatid sa akin.
"Wala na ho?" tanong ko sa kanya, gusto ko talagang malaman kung sino ang lalaking iyon siguro pati siya ay gulong-gulo kung bakit ko ginawa iyon.
"Ah! Meron pa! Nakita ko yung scar niya dito sa bandang likod ng tenga" sabi niya habang tinuro pa ang tenga niya, kumunot naman ang noo ko dahil doon. Ang galing naman ng mga mata ni manang Ester, napansin niya pa yun.
"Ano? Wala ka na bang tanong? Kumain ka na at baka mahuli ka" sabi sa akin ni manang, agad naman akong ngumiti sa kanya bilang sagot.
Hindi parin maalis sa akin ang sinabi niya, saan ko naman mahahanap ang lalaking iyon? Baka nga hindi yun nandito sa Manila, pero bakit ba kailangan ko pa siyang hanapin?
Makakalimutan rin lang naman niya ang lahat diba? Para sa kanya siguro mali ang ginawa ko. Argh! Lagot talaga sa akin si Kyla! Pinaalala niya pa kasi!
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...