Chapter 4

401 17 0
                                        

Everyday With You
Chapter 4

"I can't believe that every one of you failed my exam! Wala sa kalahati ang mga scores niyo!" puno ng sigaw ang prof naming sa math.

Kami naman ay halos yumuko na ang ulo sa sahig dahil puro bagsak ang mag scores namin, mahirap yung exam niya parang hindi naman niay ini-expect na maraming babagsak sa kanya.

Halos kalahati ng klase ay bumagsak, mga score nila hindi mo masabi. Yung mga given ng prof hindi mo siya ma-iimagine, ewan ko ba kung anong nangyare sa amin.

"Sa tingin niyo ikakatuwa ito ng mga magulang niyo, bagsak ang mga scores na ibibigay niyo sa kanila? Ganito ba kayo kakampante dahil mayayaman kayo?"

Narinig ko ang pag-ubo ni Kyla na dahilan para mapalunok ako, ito nanaman ang pangangaral niya sa amin. Minsan niya naring sinabi na kaya kami pumapasa dahil sa pera ng parents namin pero hindi yun ganon.

"Pera nalang ba talaga ang solusyon?" tanong niya sa amin at padabog na binaba ang mga test papers namin na para bang kulang nalang ay punitin niya.

His givens are unbelievable, kailangan ko ata ang utak ni Einstein para masagutan yun pero nangyare na bagsak kaming lahat.

"Buti pa ang section nila Daquis, they got a high score. Mali ba ako ng pag-tuturo sa inyo?" we really disappoint him, kahit may valedictorian ay hindi rin naka-perfect.

Tapos na naming i-recheck ang mga test papers naming at ito ang inabot ng pag-aaral naming. Mga bagsak, wala man lang sa kalahati ang scores.

"Para hatakin ang mga scores niyo, you need to take a long quiz for me, understood?!"

"Yes sir!" sagot ng buong klase na para bang pasigaw na dahilan para mag-tama ang kilay ni sir Francis. Napa-iling nalang siya sa amin at padabog na umalis.

Nang umalis siya ay doon na nag-sigawan ang mga kaklase ko na dahilan para mapa-singhap ako "Hindi naman niya kailangang ikumpara tayo sa klase ni Daquis, gusto niya bang kunin nalang natin utak ni Einstein?" usal ni Kyla.

Napa-iling nalang ako dahil sa sinabi niya, sir Francis is strict. Kung deadline ay deadline talaga, kapag hindi ka nag-pasa bagsak ka kaagad.

Kaya siguro siya ang kinakatakutan ng mga juniors kasi lagi silang aligaga sa math.

"Anong sasabihin ko kay Daddy?" narinig kong sabi ni Lei na ngayon ay namomoblema sa score niya sa math.

Nalungkot ako dahil halos kami bumagsak, sana maintindihan ng mga parents naming kung gaano kahirap ang exam namin.

Lahat kami namomoblema sa exam na dahilan para maka-limutan naming break time na. Tumunog ang malakas na bell na dahilan para mabagal na mag-sitayuan ang mga kaklase ko.

Parang mga lantang gulay na palabas ng pinto, dala-dala nila yung marka nila pag-kalabas ng room na dahilan para malungkot ako.

"Mathematics is a hell for us" sabi ni Kyla habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri niya.

"And it will be a trauma for us" sabi ko sa kanya na dahilan para tumango ito bilang pagsang-ayon.

"Ahhh! Ganito nalang ba talaga ang buhay natin? Aral, kain, aral kain, uwi, tuloy and then repeat. Mababaliw na ako dahil sa routine ko" sabi ni Kyla habang naka-tingin sa salamin.

"Umabot ka ng college tapos ngayon ka lang nag-sawa sa routine mo?" tanong ko sa kanya.

Masama naman siyang tumingin sa akin "Eh ano naman sayo? Ikaw ata magiging routine mo na ang pakikipag-usap sa mag-pipinsang yun eh" sabi sa akin ni Kyla na dahilan para mapa-kunot ang noo ko.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon