Everyday With You
Chapter 16"Halika na, malalate tayo sa kabagalan mo eh" pananaway sa akin ni Kyla, hindi ko naman mapigilan na panay ang silip sa sarili ko sa salamin dahil hindi ko naman alam kung bagay sa atin tong suot-suot kong blue dress na hinalungkat ni Kyla sa damitan ko.
Balak kasi naming pumunta ni Kyla sa birthday party ni Jayla at halata namang lahat ng kasing year namin ay pupunta sa party para batiin siya.
Itong si Kyla pinilit lang naman akong isama dahil sa kailangan niya raw, actually hindi naman kami masyadong close ni Jayla. Iba-iba kasi kami ng klase kaya ayun mag-kakilala lang kami but in Kyla's case, kilalang-kilala niya ito dahil ilang beses niya na ito naging kaklase.
"Kailangan ba talagang kasama ako?" naiiritang tanong ko sa kanya dahil imbis na nandito lang ako sa bahay ng gabi ay mapuputol iyon dahil kay Kyla.
Wala naman akong magawa dahil baka maulit nanaman ang nangyare nung kasama niya yung Arevellos, baka mamaya mawala nanaman siya sa sarili niya.
"Of course, sinong hindi kakabahan kapag ako lang mag-isa ang pupunta doon? Diba ikaw lang" mataray na sabi sa akin ni Kyla na dahilan para mapa-iling nalang ako dahil sa hindi na talaga mauurong ang pag-alis ko.
"Pero brace yourself, alam mo namang makikita mo doon si Daquis and Keziah" my forehead creased dahil sa sinabi ni Kyla, ano namang kinalaman nun sakin?
"What are you talking about?"
Isang linggo na ang nakakalipas nung huli kaming mag-usap ni Daquis sa garden, hindi ko na siya masyadong nakikita sa campus dahil siguro busy.
Ang nakikita ko nalang laging mag-kasama ay si East and Jaochenn, minsan pa nga sakin pa nila hinahanap si Daquis e' hindi ko naman iyon nakakusap.
I know malaking effect yung nangyare sa aming dalawa pero may sari-sarili kaming buhay, makakalimutan rin naman iyon dahil pag-kakamali lang ang lahat.
"E diba halos isang linggo na kayong di nag-kikita at nag-uusap, baka mamaya magulat ka pa kapag nakita mo siya dun" sabi ni Kyla habang iniikot ang buhok niya.
What is she saying? Nawala na sa isipan ko ang nangyare and I think wala narin iyon kay Daquis, nag-balik narin ang tahimik kong buhay.
"Ano naman? We have our own lives Kyla, nakalimutan niya na ang nangyare and ganon rin ang ginawa ko"
I clarified everything, naiintindihan naman siguro ako ni Daquis dahil alam niyang mali iyon. He's old enough para alamin kung ano ang tama sa mali, matalino naman siya alam naman siguro niya kung anong gagawin niya.
"Nakalimutan nga ba?" mala-tsismosang tanong sa akin ni Kyla na tinataasan ako ng kilay. Masama ko naman siyang tinignan ar muntikan ng ihagis sa kanya ang unan ng kama ko.
"Shut up Kyla, hindi lang naman ako ang dapat mong ihanda dapat pati ang sarili mo din" sabi ko at tinuro siya, agad naman niyang tinuro ang sarili niya na may pag-tataka.
"Me? Bakit naman?"
Ngumisi naman ako at kinurot ang tagiliran niya "Ouch!"
"You better brace yourself dahil sa makikita mo rin si East" sabi ko habang naka-ngisi, kahit hindi niya naman sinasabi sa akin ay may naaamoy akong kakaiba sa kanilang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/190770589-288-k439573.jpg)
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...