Chapter 26

216 14 0
                                    

Everyday With You
Chapter 26

Mabilis na tumakbo ang oras, medyo hindi ko na-enjoy ang fieldtrip dahil sa may lagnat ako. Mabuti nga ay hindi na lumala dahil baka pinauwi na nila ako ng maaga.

Si Kyla, ayon medyo nangitim dahil babad na babad siya sa swimming pool maging sa dagat. Para ngang hindi siya nawalan ng energy nung palangoy-langoy siya, ibang klase talaga ang kaluluwa niya.

Naka-uwi na nga kami at ngayon nandito kami sa gymnasium dahil kalaban ngayon ng school namin ang ibang school, Saint Mary ang kalaban nila at halos mabingi na ako sa mga tili ng mga katabi kong babae dahil sa panay ang tili nila at ang sigaw kay East.

Si East ang captain ball ng basketball team kaya talaga sikat siya and also isama mo narin ang pagiging playboy niya.

Hinigit lang naman ako dito ni Kyla dahil gusto niyang mapanood, ang akala ko saglitan lang kami dahil parehong wala kaming interest sa sports pero hindi pala.

Nakita ko ang panliliit ng mga mata niya na para bang isa itong matanglawin. Umawang naman ang labi ko dahil sa itsura niya, mukhang nag-hahanap nanaman 'to ng gwapo.

"Kaya ba tayo nag-tatagal dito kasi nag-hahanap ka ng gwapo?" kahit naman alam ko na ang sagot ay mas gusto kong marinig sa kanya ito.

"Hay nako! Kilala mo naman ako, papatol sa landi pero hindi papatol sa relasyon" ang sabi niya at palinga-linga parin sa court, natawa nalang ako dahil napaka-witty niyang tao.

"Kanina ko pa tinitignan 'yon, ang gwapo talaga kahit pawis na pawis" tinuro ni Kyla ang tinutukoy niya na dahilan para sundan ko ito. Nanliit ang mata ko at doon ko nakita ng malinaw ang sinasabi niya.

"Carreon?" tumango naman sa akin si Kyla na tama ang sinabi ko. Actually totoo naman ang sinasabi niya, matipuno ang katawan nito, medyo mahaba ang buhok nito ma dahilan para gumamit siya ng headband para hindi siya maguluhan sa laro. Kahit malayo ay kitang-kita ang pag-kapula ng labi nito, sakto lang ang kapal ng kilay nito na dahilan para mas lalong maging perpekto ang kanyang mukha.

"Oh diba, approve!" gigil ni Kyla habang naka-tingin pa dito, umiling nalang ako habang naka-ngiti sa kanya. Totoo naman ang sinasabi niya, approve talaga ang Carreon sa pagiging gwapo.

Natapos narin ang laban at panalo ang team ni East, dikit naman ang laban pakiramdam ko nga ay sila lagi ni Carreon ang nag-kakainitan. Kahit akong hindi sporty ay nag-karoon narin ng interest sa laro nila.

Hinila ako ni Kyla sa loob ng court, ano namang gagawin namin dito? Halos lahat ng estudyante ay nasa loob rin ng court nag-sasaya dahil sa pag-kapanalo namin and ang dami na dahilan para makipag-siksikan kami ni Kyla.

"Uy Kyla!" ang sabi ni East na kakatapos lang kausapin ang mga kateammates niya maging ang mga fans niya.

"Congrats!" natutuwang sabi ni Kyla na dahilan para kumunot ang noo ko, anong meron sa boses niya? Parang ipis.

Napunta naman ang tingin sa akin ni East na dahilan para agad kong iniwas ang tingin ko. Kahit sinong Arevello ang makita ko ay hindi ko parin makalimutan ang sinabi ni Daquis, grabeng epekto ang ginawa niya sa akin.

Pati ang pakikipag-usap ko kay East ay parang naiirita nalang ako.

"Hey bro, congrats" bumungad sa amin ang isang lalaki na naka-patong ang twalya sa kanyang balikat at tinapik ang braso ni East.

Kung hindi ako nag-kakamali ay ito ang pinag-uusapan namin ni Kyla kanina kaya agad akong tumingin sa kanya at kumunot ang noo ko ng makitang parang amaze na amaze ito kay Carreon.

I thought her eyes are sparkling because of this man pero totoo naman, kulang nalang ay kainin niya na si Carreon.

"Thanks, nice game" ang sabi naman ni East dito habang naka-ngiti. Napadpad naman sa amin ang tingin nito na dahilan para simple akong ngumiti dito.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon