Everyday With You
Chapter 35Unti-unti akong bumangon sa aking kama at nag-unat ng aking katawan, pumapasok na sa kwarto ko ang sinag ng araw na hudyat na kailangan ko ng mag-handa para pumasok.
Isang buwan nalang at mag-tatapos na kami sa kolehiyo at excited na ako dahil bagong buhay nanaman at bagong routine. Mag-tratrabaho naman ako sa kompanya ni daddy as I promised, iyon naman ang gusto ko to help him.
Atsaka alam narin ng mga magulang ko ang relasyon ko kay Daquis, they are happy to hear na may boyfriend na ako dahil minsan daw ay nag-alala sila dahil baka tumanda akong dalaga.
And also kalat narin sa school ang relasyon namin ni Daquis, hindi naman ako sanay na lagi akong tinatanong kung paano nangyare ang lahat. Atsaka tinanggap ko narin ang pang-aasar sa akin ni Kyla at ni East, mag-sama nalang talaga sila sa impyerno.
I mean bago sa akin na may ka-relasyon ako pero unti-unti narin akong nasasanay dahil sa lagi ko naman nakakasama si Daquis. Hatid at sundo niya ako, ibang-iba siya sa pag-kakakilala ko.
Mas lalo akong nahuhulog sa kanya dahil sa kung sinabi niyang kapag nasa relasyon kami ay doon liligawan niya ako and tinupad niya ang sinabi niya. Lagi niya akong nilalabas, lagi niya akong pinapasaya at lagi niyang pinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga.
Kahit naman boyfriend ko palang si Daquis, I'm rooting for more experience and memories with him. Clingy man kung sabihin pero gusto ko laging nasa tabi niya pero hindi naman palaging ganon ang eksena dahil sa may personal space rin naman siya.
Hindi nag-tagal ay natapos narin ang pag-hahanda ko para maka-pasok, narinig ko naman ang busina ng kotse na ibigsabihin ay nandito na si Daquis. Dali-dali ko namang kinuha ang bag ko at nakita ko naman si mama na kalalabas lang ng kusina.
"Ingat ha" ang sabi niya nasa akin na dahilan para mapa-ngiti nalang ako.
Sinukbit ko naman ang bag ko at lumabas na ng bahay para puntahan na si Daquis. Ramdam ko ang saya at ngiti sa labi ko dahil sa isang araw nanaman na makikita ko siya, tsk! Adik na ata ako sa lalaking iyon.
Nakita ko ang black niyang Cadillac at doon ko siya nakita na naka-sandal dito habang nasa bulsa pa ang mga kamay. He looks sexy dahil sa tatlong butones ang hindi naka-butones, isama mo pa ang medyo magulo nitong buhok.
"Morning.." malambing kong sabi at niyakap ito na dahilan para maamoy ko ang Calvin Klein niyang pabango, paborito ko talaga ang amoy niya.
"Morning" ang rin nito sa akin at hinalikan ang noo ko na dahilan para mapa-pikit ako habang naka-ngiti. Humiwalay naman ito sa akin at binuksan ang pinto ng kotse, pumasok naman ako at pinanood siyang umikot para makasakay.
"Wala ka bang training?" ang tanong ko kay Daquis at pinatong ang bag sa binti ko. Umiling naman ito bilang sagot sa akin, hindi ko nga alam kung bakit hindi na siya uma-attend siguro dahil isang buwan nalang rin naman ay mag-hahanda na kami sa graduation.
"Mag-training ka, isang buwan nalang gra-graduate na tayo tapos hindi ka pa uma-attend ng training" ang sabi ko na dahilan para mapa-ngiti si Daquis.
"Ayos lang naman kay coach,atsaka bakit ba? Gusto mo ba ako makitang mag-laro?" tanong niya na dahilan para mapa-isip ako. Ni hindi ko nga siya nakikitang mag-laro man lang kaya siguro sinasabi ko sa kanya na mag-training siya.
"Oo, tagal ko naring hindi ka nakikitang mag-laro"
Magaling nga si Daquis sa archery kaya walang duda na sikat sa mga babae ang boyfriend ko.
"Next time baby, mag-lalaro tayo" sabi niya habang naka-ngisi na dahilan para kumunot ang noo ko, ako lang ata ang iba ang iniisip. Kapag ganito ang tono ng boses ni Daquis ay kung ano-ano ang naiisip ko, ewan ko ba! Parang ang sexy lang pakinggan.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
Roman d'amourAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...