Chapter 21

216 11 0
                                    

Everyday With You
Chapter 21

"My gosh! May kapatid ang yelong yun?"

Hindi parin kami makapaniwala na Kyla na may kapatid si Daquis and kakalipat niya lang dito sa school. Ang akala ko pa naman ay nag-iisa lang siyang anak.

"Nakakagulat, pati yung kapatid niya kuhang-kuha yung mukha niya kaso mas mabait ang mukha niya"

Napa-iling naman ako at mariin nalang napa-pikit dahil sa nalaman ko, totoo naman ang sinabi ni Kyla kahit kuhang-kuha ni Rionna ang mukha ni Daquis ay iba ang ugali nila.

"Gosh! Mababaliw na talaga ako sa mag-pipinsang yun"

Mas lalo naman ako, kung ano-ano nalang ang nalalaman ko sa kanila na dapat hindi, pakiramdam ko tuloy ay unti-unti ko ng nalalaman ang family tree nila.

Samantala naman ay nandito kami sa burgers burgers para mag-miryenda ni Kyla, imbis na umuwi na ako ay inaya niya ako dito dahil nag-cracrave siya at totoo nga dahil nasa table namin ang dalawang big size burger niya. 

Hindi ko naman alam na may kapatid pala si Daquis kahit sa mag-pipinsan ay wala akong alam, nag-aaral lang naman sila dito bakit kailangang alamin ko pa?

"Pero nga pala, nakita ko si Keziah at Daquis ng mag-kasama, so totoo nga talagang nag-kabalikan na sila" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Kyla.

"Kailangan mo bang sabihin sa akin? Let them love each other in peace" 

"Uy nag-seselos oh" mapang-asar pa ang tingin sa akin ni Kyla na dahilan para taasan ko siya ng kilay, kailan ba talaga siya titigil?

"Excuse me, walang nakaka-selos sa sinabi ko" mayabang na sabi ko pa dito para isaksak sa isip niya na wala akong pakielam sa mag-jowang iyon.

"Tss, kung hindi lang nag-kabalikan si Keziah at Daquis ikaw talaga itutulak ko" napa-kamot ang ulo ko dahil sa sinabi ni Kyla, wala na ba talaga siyang magawa kung di ang asarin ako?

"Tigilan mo nga ako Kyla, huwag mo nga ako ipilit sa taong hindi ko gusto"

Hindi ko gusto si Daquis, ilang beses ko ba sasabihin iyon? Oo may nararamdaman akong kakaiba pero hindi na iyon yung dahilan para sabihing gusto ko si Daquis, hinding-hindi ako mag-kakagusto sa isang psycho.

"Oo na, ito na"

Hindi na ako kinulit ni Kyla at pinag-patuloy narin ang pagkain namin para naman makauwi na kami.

"Oh shit.."

Sabi ni Kyla na dahilan para kumunot ang noo ko, naka-tingin ito sa labas na dahilan para sundan ko ang tingin nito.

"Oh god" bulong ko sa sarili ko, halos manatili ang tingin ko dito ng makita ko sila. Anong ginagawa nila dito?

"Anong ginagawa ni Keziah at Daquis dito?" natatarantang tanong sa akin ni Kyla na dahilan para mabalik sa kanya ang tingin ko, sabi ko na kahit saan talaga ako mag-punta lagi kong makikita ang lalaking yun.

"Bilisan mo ng kumain diyan" bulong ko sa kanya at doon ko narinig ang pag-bukas ng pinto na dahilan para makagat ko ang ibabang parte ng labi ko, patay na talaga pero bakit ba ako nag-tatago?

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon