Chapter 13

224 14 0
                                    

Everyday With You
Chapter 13

Pauwi na kami sa bahay para makapag-pahinga na, parang nawala lahat ng kinain ko dahil sa galit na naramdaman ko. It was supposed to be a good dinner or maybe hindi talaga mangyayare iyon.

Hindi ko naman inaasahan na masasabi ko iyon, tama na ang pnanahimik dapat lang na mag-salita ako. My mom needs me and tama lang ang pag-papalaki niya sa akin hindi kagaya ng mga kapatid niya.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng biglang tumunog ang phone ko and it was Kyla.

Agad ko namang itong sinagot pero bigla kong nalayo ang phone sa tenga ko dahil sa isang malakas na tili. Anong problema niya?

"Hello Kyla.."

"Oh hi Liezel, I just want to tell you that this club is a-amazing!"

Biglang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kyla, teka uminom ba siya? Halata na iba ang boses niya, ang alam ko sinabihan ko siyang huwag pumunta sa clun na sinasabi niya.

"Kyla, diba sinabihan na kita na huwag kang pupunta?" naiirita ako dahil sa hindi niya sinunod ang sinabi ko. Ano bang silbi ng mga sinasabi ko sa kanya? Nilalabas niya lang ba sa tenga niya ang lahat ng sinasabi ko? Mapapahamak lang siya dahil sa ginagawa niya.

"Chill Liezel I'm fine, hindi pa ako lasing..."

I can even hear the loud music of the club and mas lalo pang nadagdagan ang inis ko. Mas lalo ako maiinis kapag nalaman kong siya lang ang pumunta mag-isa sa club na iyon, walang mag-hahatid sa kanya at hindi niya kaya ang sarili niya.

"No, rinig na rinig ko ang boses mo and lasing ka na Kyla! Ano bang balak mo sa sarili mo?! Hindi ka ba marunong sumunod?!" habang parami ng parami ang bawat salita ko ay doon ko natataasan ang boses ko na dahilan para maagaw ko ang atensyon ng magulang ko.

Iniwas ko nalang ang tingin ko at mariing pinikit ang mga mata ko" Where are you?" I'm trying to calm down pero naiinis talaga ako kapag nasa club si Kyla ng mag-isa. Kulang nalang mag-pagawa siya ng club sa bahay niya dahil hindi niya mapigilan ang sarili niya.

"Saan ba yang club na yan at susunduin kita, Kyla kapag nakarating ako diyan kahit lasing ka babatukan talaga kita" I said to her as a warning.

"Near Jacob's resto"

Pagkasabi niya ng lugar ay agad kong pinatay ang phone at umubo, kailangan kong mag-pahatid kay daddy para masundo ko si Kyla. Alam niya naman siguro kung ano ang nangyayare dahil sa rinig na rinig ang boses ko.

"Dad, can you drop me off near Jacob's resto?"

"Susunduin mo ba si Kyla? Naku, next time nga dalhin mo sa bahay ng kami naman ang uminom"

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni dad at parang hindi pa ako makapaniwala "Dad!" pananaway ko sa kanya at narinig ko naman ang pag-tawa ni mama na dahilan para umikot ang mata ko.

"Kaya mo bang umuwi mag-isa? Hihintayin ka nalang namin at ihahatid natin si Kyla"

Agad naman akong umiling bilang sagot "No dad, mag-tataxi nalang kami"

Tumango nalang siya bilang sagot at agad na niliko ang kotse para ibaba na ako malapit sa Jacob's resto "Mag-ingat ka ha" mama said the reason why I smiled.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon