Everyday With You
Chapter 15
"Bakit ka ba hindi pumasok?" tanong sa akin ni Kyla na may halong pag-aalala. Samantala naman ay nandito kami sa kwarto ko, dinalaw ako ni Kyla dahil nag-taka siya kung bakit biglaan ang pag-absent ko.
Hindi pa alam ni Pia kung ano ang nangyare dahil sa lasing siya kagabi at ngayon ay nag-tataka siya "Masama yung pakiramdam ko" pag-papanggap ko na dahilan para kumunor ang noo ni Kyla.
"Are you really sure? Kasi hindi halatang masama yung pakiramdam mo" kahit kailan talaga ay hindi ko magagawang mag-sinungaling sa kanya dahil sa ngayon ay namomoblema na ako.
"Kyla may gusto sana akong sabihin sayo"
Nakita ko ang pagiging seryoso ni Kyla na dahilan para mapa-hinga ako ng malalim, ano nalang ang iisipin niya sa akin kapag nalaman niya? Na masyado akong tanga at hindi ko magawang alagaan ang sarili ko?
Unti-unti akong yumuko at nilaro ang kamay ko "Kilala ko na kung sino yung muntikan ko ng maka-one night stand" I said at narinig ko ang malakas na pag-singhap ni Kyla at doon ko nakita ang gulat sa kanyang mga mata.
Mas lalo pa siyang magugulat kapag nalaman niya kung sino iyon "Oh my gosh! Paano? Sino?" puno ng mga tanong si Kyla na dahilan para magulo ko ang buhok ko at mapatayo.
Napa-tingin nalang ako sa labas ng bintana at malalim na huminga "Kyla, malaking kasalanan yung nagawa ko" I was frustrated saying this to her dahil sa bigla-bigla nalang nangyare ang lahat.
"Bakit? Sino ba yun?" magulo akong tumingin kay Kyla, nag-aalala ako dahil malaking gulo talaga tong pinasok ko.
"It's Daquis, Kyla"
Bumagsak ang panga ni Kyla habang ako ay napapikit nalang ang mga mata dahil sa stress na nararamdaman ko, oo ganyan din ang naramdaman ko nung nalaman ko. Ganyan rin ang itsura ko nung nalaman kong si Daquis.
"What the fuck Liezel.."
Unti-unting tumayo si Kyla at nilapitan ako, hindi parin mawala ang gulat sa kanyang mukha na dahilan para mag-alala ako. Ano naman kaya ang nasa isip niya?
"Sigurado ka ba diyan? Baka nag-iilusyon ko lang" hinawakan niya ang dalawang balikat ko na dahilan para makagat ko ang labi ko, hindi niya ako naiintindihan, hindi niya ako pinaniniwalaan.
"Kyla totoo ang sinasabi ko at nalaman ko lang kagabi" mas lalong lumaki ang gulat sa mukha ni Kyla at ako para akong mawawala na sa sarili dahil sa mga nangyayare.
"Kagabi? Paano?" nag-tataka siya pero nung naalala ko nanaman kung paano siya ka-lugmok kagabi ay unti-unting tumaas ang presyon ko.
"Ikaw kasi! Uminom ka at nandoon ako para sunduin ka pero si East na ang nag-offer na ihatid ka sa bahay niyo and ihatid ako ni Daquis kaya iyon nalaman ko"
"Wait, si East ang nag-hatid sa akin kagabi?" nag-tatakang tanong ni Kyla na dahilan par amapa-irap ako "That's not important now, Kyla hindi mo ba nakikita? Nasa school lang pala yung muntikan ko ng maka-one night stand and ang pinakamalala pa doon e' nakaka-usap ko pa"
"Paano mo ba nalaman?"
"H-Hindi ko alam...he kissed me--"
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
