Everyday With You
Chapter 12Sa ilang araw na paulit-ulit na routine ko ay dumating na ang araw na makakapag-pahinga narin ako. I mean nakakapagod naman talaga ang limang araw na pag-pasok pero I don't have a choice, gusto ko ng magandang future.
Sabado ngayon at gusto kong mag-pahinga ng maayos, mas pipiliin ko munang manatili muna dito sa bahay dahil sa dito ko malalabas lahat.
Atsaka wala naman akong lakad ngayon dahil pinangako ko sa sarili ko na mag-papahinga ako.
"Liezel, anak.." sa pag-tingin ko sa pinto ay doon ko nakita si mama na nakangiti sa akin.
"Oh ma, bakit po?" tanong ko sa kanya.
"Nak hindi ko pala nasabi sayo kasi biglaan e, sinabi sa akin ng daddy mo mag-kakaroon tayo ng dinner with your cousins"
Napalunok naman ako dahil sa sinabi ni mama, well hindi naman sa ayaw kong pumunta pero kasi andoon ang mga pinsan ko.
Ngayon ko nalang sila makikita and sa background hindi maganda ang pag-sasama namin and our parents know that.
"Um.. ma" sabi ko napakamot sa buhok ko dahil sa nahihiya ako.
"Liezel I know... alam kong may hindi kayo pag-kakaunawaan ng mga pinsan mo but please do this for me"
Ibang-iba kasi ang pag-papalaki sa amin, sa side ni mama ang hindi nag-kakasundo dahil lahat sila ay edukado kaya hindi talaga naiiwasan ang mag-sapawan.
Tatlong lalaki at dalawang babae, at lahat sila ay may anak na dahilan para hindi sila magkaintindihan.
Naaalala ko noong bata ako na sa mag-pipinsan ay ako ang laging saling kitkit, they always put me down dahil pakiramdam nila ay talunan ako.
Si mama ang huling nag-kaanak, sabi pa nga ng mga kapatid ni mama e' ang hina niya daw dahil bakit isa lang ang anak niya at baka hindi ko daw kayanin ang trabaho.
I felt pressured dahil sa isang mayaman akong pamilya, hindi naman ako nag-hahangad ng ano pa man. Dahil sa bunso si mama ay labis parin ang pag-tatanggol niya sa akin.
Kahit si daddy, they protect me against my boastful cousins. Lahat kasi ng mga pinsan ko ay matatanda, mga may naabot na sa buhay habang ako ay nag-aaral palang.
Kaya nag-aalangan pa akong pumunta dahil hindi maganda ang pakikitungo nila sa family namin.
"Ma, it's my time to protect you" sabi ko habang nakangiti at hinawakan ang kamay ni mama.
"When I was little, lagi niyo na akong pinag-tatanggol sa kanila and I now that I'm an old enough I need to end this"
Alam kong nahihirapan ang mama ko sa sitwasyon na ito, alam ko kung paano siya nahihirapan sa mga family gatherings na kasama ang mga kapatid niyang mga mayayabang.
"Kaya ma pupunta tayo" hinigpitan ko ang pag-kakahawak ko sa kamay ni mama.
"Thank you Liezel, thank you sa pag-intindi" sabi sa akin ni mama at hinalikan ang noo ko and I can feel her armor to me.
"Pero maiba tayo, who is Daquis?" biglang tanong sa akin ni mama na dahilan para kumunot ang noo ko. Bakit niya naman natanong iyon? Hindi ba napakilala ko na siya kay Daquis?
"Ma, he's a friend" pangunguna ko habang nakangiti pero nakita ko sa mukha niya ang pang-aasar na dahilan para mapa-irap ako.
"Naku Liezel, lahat naman nag-uumpisa diyan ganyan kami noon ng daddy mo"
Napabuga ako ng hininga ko at parang natatawa pa sa kwento ni mama "Are you saying that I like him?" nakangisi kong tanong kay mama.
"Wala naman akong sinabi" she said while smiling the reason why I hold my ego while smirking.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...