Everyday With You
Chapter 38After 5 years
But I thought babalik siya pagkalipas ng isang taon pero hindi... siguro nga kinalimutan niya na ako.
"Liezel! Liezel!"
Nagising ako dahil sa malakas na sigaw na nanggagaling sa baba, agad naman akong tumakbo palabas ng kwarto ko at sa hagdan ay nakita ko si Cessie na para bang kabadong-kabado.
"Ano bang sinisigaw mo diyan?! Umagang-umaga Cessie!" naiiritang tanong ko sa kanya habang kinakamot pa ang ulo ko, mabuti nalang at hindi ako kagaya ng ibang tao na sobrang galit kapag ginising. Ano bang problema niya?
"Yung plantation natin!" natatarantang niyang sabi na dahilan para tumakbo ako at hindi na makinig sa sinabi niya. Ano namang nangyare sa plantation namin?! Shocks!
Dali-dali akong pumunta sa plantation habang naka-paa dahil kinakabahan rin ako kung anong nangyare sa plantation.
Nung makalabas ako ay bumungad sa akin ang maraming taong naka-talikod, habol-habol ko ang hininga ko dahil sa pag-takbo. Shit, anong nangyare?
"Anong nangyare?" nag-aalala kong tanong sa kanila at halos mawala ako sa sarili ko ng makita silang naka-ngiti sa akin. Bakit sila nakangiti?
"Anong nangyare sa mga bulaklak? Binaha ba? Pineste ba?" sunod-sunog kong tanong sa kanila pero halos matumba ako ng mag-sigawan sila. Shit, anong meron? Lutang pa ba ako?
"Ano ba! Bakit kayo nag-sisigawan?!" ang tanong ko sa kanila, lumapit naman sa akin si Mang Almario habang naka-ngiti habang ako naman ay pilit na prino-process ang nangyayare.
Inabot niya naman sa akin ang isang notebook kung saan nakalista lahat ng mga kukuha at balak bumisita dito sa plantation. Halos malaglag ang panga ko ng binuksan ko ito, nanginig ang labi ko ng makita ang mahabang listahan ng mga bibisita at ang mga gustong mag-padala ng mga bulaklak.
"A-Ang dami.." nauutal kong sabi at paulit-ulit na binabalikan ang mga listahan. Parang imbis na magalit ako na ginising ako ni Cessie sa pag-aalala ay parang mas mabuti ng gumising ako dahil sa balita na ito.
"Opo Liezel, maraming balak na kumuha sa atin atsaka marami rin ang balak bumisita" natutuwang sabi ni Mang Almario na dahilan para matakip ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala. Umagang-umaga ay nangilid ang mga luha sa mata ko dahil sa saya.
"Nag-bunga rin ang pag-hihirap natin!" sigaw naman ni Cessie na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala.
Hindi ako makapaniwala, nag-papatakbo na ako ng plantation ng bulaklak for three years. Nung una ay nag-simula kami sa wala dahil baguhan palang kami dito sa Oriental Mindoro pero mabuti nalang ay nangyare ito.
Naramdaman kasi naman na humihina ang mga bisita maging ang mga balak kumuha ng mga bulaklak namin, muntikan pa ngang makuha ang lupa namin dahil sa wala naman kaming investors.
Oo, dito na ako nakatira sa Oriental Mindoro. Tatlong taon narin ako dito at ngayon na 28 na ako ay pinapahalagahan ko na ang plantation at syempre ang mga kasama ko dito, I left Manila three years ago para dito na manirahan.
Si mama at daddy ay nandoon parin sa Manila to take care of their business, well pumayag naman sila sa balak kong gawin. Ang sabi nila sa akin ay gawin ko ang makakapag-pasaya sa akin and naisip ko ang mag-tayo ng plantation dito.
Binitawan ko ang buhay mayaman dahil gusto ko naman na ma-experience ang maraming bagay, ang akala ko ay magiging CEO ako ng kompanya ng tatay ko pero hindi. Suportado naman siya sa desisyon ko na mag-patayo ng plantation at tinutulungan naman niya ako.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...