Everyday With You
Chapter 19"I can't believe that you're here, lagi nalang kita nakikita" sabi ko pag-iwas sa topic namin dahil nahihiya na ako.
"You can see me everywhere" he said while smirking at me as he take a sip on his drink, oo nga kahit saan naman makikita ko siya pero sa panahon naman na gusto kong mapag-isa doon ko siya makikita.
"Hindi mo ba nakita yung blog ng school?" tanong ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Nakita ko, they took pictures of me and Keziah"
Nahawakan ko ng mahigpit ang baso sa hindi ko alam na dahilan, habang patagal ng patagal ay hindi na ako nagiging komportable.
"So nag-balikan na kayo?" and that shit creeps me out, paano ko nalabas iyon sa bibig ko? Mag-iisip ba siya ng masama kung tinanong ko? Hindi ba puwedeng curious lang ako kaya ko natanong yun?
Tumaas ang kilay niya na dahilan para mapa-lunok ako at maiiwas ang tingin ko sa kanya, I knew it mag-iisip siya ng masama sa tanong ko. He sighed the reason my back was on panic, sasagutin niya ba ang tanong ko?
"Yeah...nag-kabalikan na kami"
Okay, ako ang unang naka-alam na nag-kabalikan na sila but the way he said it parang wala siyang hinto. As he said that parang may tumusok sa dibdib ko na dahilan para mapa-lunok ako.
"Then congrats Daquis, nag-kabalikan na kayo ni Keziah diba iyon naman ang gusto mo kasi mahal mo siya?" tanong ko habang nakangiti sa kanya.
"I didn't say that Liezel, biglaan lang ang lahat" sabi sa akin ni Daquis na dahilan para kumunot ang noo ko, diba mahal niya si Keziah pero bakit parang mali ang sinabi ko?
"What? I-I mean I don't get it... diba ang sabi mo sa akin mahal mo siya"
"That was before but I-I don't know, hindi ko ba alam kung pinilit ko lang ang sarili ko"
Hindi ko maintindihan si Daquis, bakit niya pa binalikan si Keziah kung hindi niya na ito mahal? Bakit balak niya pang paasahin si Keziah sa wala?
"Daquis you know that mali ang ginagawa mo" I was totally worried sa relasyon nila dahil hindi ko ba alam kung ano ang patutunguhannito pero bakit? Bakit ako nag-aalala?
"Liezel can you just shout your mouth" bigla nalang nag-iba ang timpla nito na dahilan para mapa-atras ako.
He became serious as we talked about Keziah, naguguluhan na rin siguro siya sa nararamdaman niya at siguro umiinom siya dahil sa balitang nag-kabalikan na sila.
"Tss... you're totally a jerk" hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napa-ngisi nalang dahil sa kumplikadong usapan. Tumayo na ako at tinignan ito "Mauna na ako" ani ko habang inaayos ang bag ko.
Tumaas ang balikat nito na para bang naging alerto ito, malamig niya akong tinignan na dahilan para tumaas ang kilay ko, ano nanamang itsura yan? Wala na ba talaga siyang ibang expression kung di iyon lang?
"I told you I will be cautious from now on, one drink is enough" I said while smiling but I didn't get a respond, like a smirk or even a single word.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...