Chapter 2

555 18 0
                                        

Everyday With You
Chapter 2

Sa malamig na hangin na nasa kwarto na naging dahilan na napa-bukas ang mga mata ko, nakita ko ang puting kisame na bumungad sa akin. Kumunot ang noo ko at naramdaman ang pananakit ng ulo at ang pagod sa katawan ko.

"S-Shit.." usal ko at kinapa ang ulo kong sumasakit, umupo ako at muling pinikit ang mata ko dahil sa pananakit ng ulo. Argh! Ano bang nangyare at sumasakit ang ulo ko?

Kahit na sumasakit at hinang-hina ay nagawa ko ng makatayo dahil may pasok pa, kailangan kong pumasok dahil ayaw kong ma-miss ang mga activities.

Agad akong tumitingin sa salamin at nakita kong naka-suot ang ng pajama, tsk! Kailan pa ako nag-suot nito? Kulat pink at may mga flower patterns akong nakikita, masyado atang girly!

Pumasok na ako sa banyo para maligo na, "Anong bang nangyare?" para akong tulala habang ang tubig na mainit na nang-gagaling sa shower ay dumadaloy sa katawan ko.

Pilit kong iniisip ang nangyare kagabi pero hindi ko maalala, bwisit! Bakit ba binabagabag ako nung kagabi? Wala akong kaalam-alam dahil parang kulang nalang ay pigain ang utak ko kakaisip.

Hindi nag-tagal ay lumabas na ako sa banyo at nag-suot na ng damit ko, siguro hihintayin ko nalang na mag-pop out sa utak ko ang nangyare kagabi. Nakakainis kasi wala akong alam dahil sa pananakit ng ulo ko.

Nang bumaba na ako sa sala at agad na bumungad sa akin si manang Ester "Oh hija, gising ka na pala mukhang puyat ka kagabi ah" sabi ni manang Ester na dahilan para kumunot ang noo ko.

Sinundan ko naman siya sa kusina at nakita ko ang naka-handang breakfast para sa akin "Kumain ka na para makapag-palakas ka, grabe siguro ang pagod mo kagabi" ani niya habang pinupunasan ang mga plato na balak niyang ilagay sa cabinet.

"Kagabi manang?" tanong ko at umupo sa upuan para kumain na, nag-sandok ako ng kanin at ulam. Pagod? Kagabi?

"Oo, tulog ka nga nung hinatid ka ng gwapong lalaki dito e" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Anong lalaki? Bakit tulog ako kagabi? Bakit ako hinatid ng lalaki dito sa bahay?

"M-Manang ano bang sinasabi niyo?" nauutal kong tanong sa kanya, parang isang piece ng puzzle nalang ang dapat kong lutasin para malaman ko ang sagot.

Argh! Hindi na ako mapakali! "Hay nako kumain ka nga muna, sigurado akong pagod ka kaya punuin mo ang tiyan mo" pananaway sa akin ni manang Ester. Parang pinag-kait sa akin ang katotohanan, para bang hindi ko karapatan na malaman ang mayroon kagabi.

Sinimulan ko na ang pagkain at panay ang isip ko na para bang lumulutang ang isipan ko. This freaks me out! Kung ano-ano nalang naiisip ko! Napunta ang tingin ko sa mga alak na nasa counter na para kay daddy.

Nanlamig ang mga kamay ko na dahilan para pag-masdan ko ito, lumitaw sa isipan ko ang mga neon lights na pars bang nasa bar ako "Shit" usal ko at tinuloy nalang ang pagkain.

Pero kahit kumain o ibaling ko ang sarili ko sa pag-kain ay hindi maalis sa akin ang mag-isip. Dahil sa repleksyon ng lamesa ay nakita ko ang sarili ko, napunta ang tingin ko sa mapula kong labi at kumikintab pa.

"Hindi na ata maganda ang pakiramdam ko.." bulong ko sa sarili ko dahil kung ano ano nalang ang nararamdaman na dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Tumayo ako at dala-dala ang pinggan na ilalagay ko sa lababo ng biglang sa isang iglap ay makita ko ang suot-suot ko kahapon na damit.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ito, tila tumigil ang tibok ng puso ko na dahilan para mabitawan ko ang hawak-hawak kong pinggan. Nag-karoon ng malakas na ingay dahil sa pag-bagsak ng plato na dahilan para magulat si manang Ester.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon