Everyday With You
Chapter 24"Yeah, we look good together"
Halos mabaliw na ang isip ko dahil sa sinabi ni Jaochenn sa harap ni Keziah at Daquis, sinasakyan niya ba ang sinabi ni Keziah o sadyang pinag-tritripan niya lang ako?
"Oww, so you guys are--"
Hindi ko na pinatapos ang sinabi ni Keziah dahil sa nauna na akong nag-lakad pabalik sa resort, bastos na kung bastos pero kailangan ko talagang umalis dahil sa hindi na ako kompotable lalo na't may ginawang kalokohan si Jaochenn.
"Hey, wait!" rinig kong sabi ni Jao at sumunod naman sa akin, nang makasabay niya ako sa pag-lalakad ay agad ko siyang tinignan ng masama.
"Anong we look good together?" naiiritang tanong ko sa kanya at imbis na mag-sorry siya sa sinabi niya ay nagawa niya pang ngumiti, baliw ba talaga siya? Mali ba ang pag-kakakilala ko sa kanya?
"Ang akala ko pa naman ikaw ang pinaka-inosente sa inyong tatlo pero baliw ka parin pala" kahit naman minsan ay hindi ko napapansin si Jao ay ngayon halos kainisan ko na siya.
"Tss, I'm just kidding and you should thank me because I think my cousin will beat me" nakangisi ap nitong sabi na dahilan para kumunot naman ang noo ko, ano nanamang sinasabi niya?
"You should see his face, parang inagawan ng candy"
"I don't know what are you talking about and can you just leave me alone?"
Ang sabi ko pa naman ay iiwasan ko sila pero parang isa nanamang pag-kakamali na nakipag-usap ako kay Jao, kung ano-ano talaga ang tumatakbo sa isipan nila.
"Liezel lalaki ako and pinsan ko si Daquis--"
"My gosh! Wala ka bang babae na puwedeng kumausap sayo?" iritadong tanong ko, kahit kailan naman ay hindi ko nakita si Jaochenn na may kasamang babae kaya sana naman ay lubayan niya na ako.
"Meron but she's scary, talo niya pa ang lalaki"
Kung gano naman pala meron pero bakit hindi ko naman sila nakikitang mag-kasama? Tago rin pala makipag-kita itong si Jaochenn pag-dating sa babae, ni wala nga akong nababalitaan na meron siyang girlfriend sa school.
"So go with her and stop pestering me" inikutan ko nalang ito ng mata at agad na nag-lakad pabalik ng resort.
"Oh mag-kasama kayo?" ang tanong sa amin ni East dahil nakita niya kami ni Jaochenn, masama ko namang tinignan si Jao na nginisian naman ako.
"Anong ginawa niyo?" kitang bagong gising palang si Kyla dahil sa namamaga nitong mata at halos magulo pa ang buhok nito, nakita ko ang saglitang pag-tingin sa kanya ni East na dahilan para ngumisi ako saglit.
"Ikaw, bakit kasama mo si Liezel?" turo ni Kyla kay Jaochenn
"Sinamahan ko lang siya mag-lakad" simpleng sabi ni Jaochenn at hindi ko maiwasang umirap ang mata ko dahil sa sinabi niya, hindi ko naman kailangan ng kasama atsaka bakit ba nag-titipon kaming lahat?
"Oww, so si Jaochenn na ngayon--"
"Shut up" pag-putol ko kay East na hindi matago ang ngisi sa kanyang labi, matalim ko itong tinignan at patuloy na pumasok sa resort para bumalik na sa kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/190770589-288-k439573.jpg)
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...